Hi my beloved readers! It's been a while! I hope all of you are doing well right now. Btw, I just want to give you guys a special chapter because I want to celebrate (even it was already late dahil sa sobrang busy ko, hays! college moments hahahahaha) my first year anniversary as an author here in Wattpad and also the first year anniversary since this book was published. I hope you enjoy reading this chapter because I enjoyed writing it even its just a short one.
Love you guys!❤
---
IVAN
"If I could just turn back the time..." nakatungong usal ko saka palihim na pinunasan ang luhang lumandas mula sa mata ko. Agad ko namang naramdaman ang pagkilos ng katabi ko at ang dahan dahang pagyakap ng dalawang bisig sa katawan ko.
"Hush love! Tapos na iyon. Kaunti na lang talaga idedelete ko na yang mga videos na iyan, gabi gabi ka na lang pinapaiyak!" napaangat ako ng tingin sa kaniya at gusto kong matawa nang makita kung gaano kasama ang tingin niya sa laptop sa harap namin, kung saan nagpaplay pa rin ang mga video niya noong mga panahong buntis siya kay Josh at wala ako sa tabi niya.
"I just can't accept it mahal, I wasn't there when you needed me the most.. I wasn't there when you and Josh needed me. I am a husband, a father.. pero nasaan ako? Wala! I'm so sorry Rain, sorry.." nanghihinang wika ko at niyakap siya pabalik, siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at doon tahimik na lumuha.
"Tsk! Love naman eh! Parang tanga naman kasi.." naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko, saka ko narinig ang mahinang pagsinghot niya kaya napaalis ako sa pwesto ko.
"Mahal! Bakit umiiyak ka din? Moment ko dapat ito eh!" pagbibiro ko saka isa isang pinunasan ang mga luha niya. Natatawang binatukan niya naman ako kaya napatawa din ako.
"Ikaw kasi! Pinakita ko nga sayo yang mga video na yan para kahit wala ka sa tabi namin nang mga panahong iyon ay parang nandoon ka pa rin. Pero kung gabi gabi mo yang iiyakan eh parang mas mabuti pa na burahin na lang natin." seryosong wika niya pero bakas ang lungkot sa mga mata. Dahan dahang hinalikan ko siya sa noo.
How I love this woman! I'll definitely die kung mawawala pa siya ulit sa akin.
"I love you, mahal na mahal kita Rain.." I sincerely said.
"Mahal na mahal din kita Ivan.. at nasasaktan na akong makita kang laging umiiyak.. lalo pa at dahil iyon sa akin, tama na please mahal! Tama na yung ilang taong naghirap tayo, happy ending na eh, endgame na tayo.. busy yung author, huwag mo nang pahabain ang kwento.." nagawa pa niyang magbiro sa huli pero ramdam ko ang sinseridad sa lahat nang sinabi niya.
Nakangiting tumango ako sa kaniya saka siya dahan dahang niyakap na agad naman niyang tinugunan. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumukas ang pintuan ng kwarto namin saka pumasok si Josh na may dalang dalawang unan.
"Can I join in the hug and in the bed too?" nagpapacute pang usal niya. Humiwalay naman sa akin si Rain at inilahad ang kamay niya kay Josh na dali daling lumapit sa amin at akmang uupo sa hita ng Mama niya pero itinuro ni Rain ang hita ko.
"Sa papa mo na lang nak!" naguguluhang sumunod naman ang anak ko at nagtatakang pinaupo ko din siya sa hita ko saka kami sabay na tumingin sa Mama niya.
"Am I that big na po Mama? Ayaw mo na po ba sa akin dahil mataba na ako at mabigat na?" nagtatampong wika ng anak ko at kita ko naman ang pagkagulat ni Rain.
"Huh? Of course not baby!" saka nito natatawang hinalikan sa pisngi si Josh. "Medyo sumasakit lang kasi ang tiyan ni Mommy," dugtong niya.
"Why love? Do we need to go to the hospital? Oh wait! Tatawagan ko na lang si Doc Jimenez, kanina pa ba masakit love? Bakit ngayon mo lang sinabi?" natatarantang wika ko saka hinagilap ang cellphone ko.
Pero napatigil ako sa pagtipa ng numero ng doktor nang mag angat ako ng tingin at ang napakagandang ngiti ng asawa ko ang bumungad sa akin.
"Relax love!" natatawang usal niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong relax? Paano kung hindi lang yan simpleng sakit ng tiyan lan-" pero napatigil ako ng ilagay niya ang hintuturo sa labi ko.
"Shh! Nakikisali lang kasi si baby sa family hug natin." nakangiting wika niya saka tiningnan si Josh sa kandungan ko.
W-what?
"BABY!?" sabay naming sigaw ni Josh.
Natatawang tumango naman sa amin si Rain at itinaas ang kanang kamay kung saan nakalagay ang tatlong pregnancy test na iisa lang ang resulta.
We're pregnant!
Kasabay ng pagsigaw ni Josh ng yehey ay ang pagpatak ng mga luha ko. Natatawang hinalikan naman kami ni Rain sa pisngi.
"Yan lang ang luhang kaya kong makita sa mga mata mo.." nakangiting bulong niya, hindi ko naman napigilan at hinalikan na siya.
"Ay bad!" pero agad ding napahiwalay nang sumigaw si Josh, sabay kaming napatawa ni Rain nang makitang tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang mga palad niya.
How I love this family!
From this day onwards, I promise to always be there. I promise to never leave my family again until my last breath.
Until then, our readers!