" Y-you're kidding right? " utal kong tanong.
" Ano? Bakit namn kita lolokohin? Hindi ako si Ivan!" kunot na kunot ang noo pa ring aniya.
Hindi.. Si Ivan ka! Sigurado ako!
Agad akong napatinging sa may sentido nya para hanapin ang nunal nya para makasigurado. May nunal! Nandon yung nunal!
" Ivan! Alam kong masaya ka na ngayon pero please! Kailangan ko ng tulong mo! Pangako, hinding hindi na ako magpapakita sa inyo pagkatapos nito " pagpilit ko sa pag aakalang niloloko nya lang ako, pero lalo lang kumunot ang noo nya kaya napatunganga ako sa kanya.
Hindi k-kaya..
Agad kong naibaling ang tingin ko sa asawa nya, at nang magtagpo ang tingin namin ay don lang ako naliwanagan sa nangyayari.
B-bakit?!
" I-ivan- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw sya.
" Hindi nga ako si Ivan! " galit na sigaw nya at humawak sa ulo nya na parang may iniindang sakit. Dali dali syang hinawakan ng asawa nya na tila pinapakalma, nakita ko ang unti unting paghinahon nya pero nakahawak pa rin sa ulo nya.
Binalingan namn kami ng tingin ng asawa nya.
" U-umalis muna kayo! " dahan dahan nyang binitawan si Ivan bago lumapit samin para ihatid kami sa pintuan. "Magpapaliwanag ako sayo bukas, pangako! " aniya habang nakatingin sakin at saka may iniabot na isang pirasong papel. Wala sa sariling inabot ko iyon bago ako iginiya ni Laurence paalis. Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa makabalik kami sa hospital.
Lumapit ako sa kama ng anak ko at hinawakan ang kamay nya.
" Anak ko! Gising na.. kailangan ka ni Mama! Gulong gulo na si Mama eh.. kailangan ko ang yakap mo.. " umiiyak ma pagkausap ko sa anak ko. Tanging hikbi ko lang at tunog ng mga makina ang maririnig sa loob ng ICU kung nasan ang anak ko.
Tama ba ang hinala ko, Ivan?Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naiisip ko at binantayan na lang ang anak ko.
Pangako anak ko, gagawin ko ang lahat gumaling ka lang!