"Congrats!" bati ni Malia sa amin pagkarating sa court. Lahat kami ay nakasuot ng aming mga uniform at toga habang nakaayos kami.
"Eto na, gagraduate na tayo!" si Leon.
"Mamimiss mo lang si Celine eh!" sigaw ni Justin. "Hi, Celine!"
Ngumiti si Celine samin, kasama ang mga magulang nito at kapatid. Sakto ang pagdaan nito at agad napalingon si Leon. This guy's fucking whipped. Hindi pa naman nagsisimula ang programa kaya sinenyasan ko si Celine para ayain ko siya na sumama samin.
"Tara, Celine!" pagtawag ko. Rinig ko naman na nagkantsawan ang mga kaibigan namin habang nahihiyang lumapit sa amin si Celine.
"Picture kayo ni Leon!" si Eliza. "Dali!"
Iginiya ko siya saka tumabi si Celine kay Leon. Lahat kami ay nandoon sa harap nila at kinukuhanan namin sila ng mga litrato.
"Mamaya ulit, Celine, ah?" si Gael.
Ngumiti pa ulit ito sa amin bago umalis dahil magsisimula na ang programa pagrinig namin ng tugtog na karaniwang naririnig tuwing graduation.
"Pulang-pula si gago oh!" natatawang sabi ko.
Nagsimula ang program at ginawa namin ang napag-practisan namin. We all sat in alphabetical order and by section. The opening remarks was a speech from our principal, then the guest of honor, which is Don Luisito, since he's our former governor, then the boring valedictorian speech of Ronalyn.
Nakasandal lang ako at halos patulog na dahil sa walang kwenta niyang speech. Ang plastik niya sa part na pati kami ay dinamay niya sa speech niya, eh galit samin 'yon.
"Hindi pa ba tapos 'yan?" angal ko. "Tulog na muna ako ha?"
"Addie!" si Malia, na ngayon ay natatawa.
"Mga demonyo," si Lauren.
It's our turn to get our diplomas on stage as we all fall in line and waited for our name to be called.
"Bermudez, Addison Emilliene C."
I went up to the stage and shook every teachers' hands and the higher uppers. Umakyat sa stage sila Lolo at Lola habang binabanggit ng mga teacher ang award na hindi ko naman talaga pinaghirapan.
As they lend me my diploma, I was hesitant to accept it at first. Even the medals, I didn't look happy while they placed it on me. When I looked in front of the camera, I didn't smile. If I did, it's just a fake one. I'm not even meritorious for these medals and honors.
Natapos ang graduation ceremony at agad na lumapit sa amin si Don Luisito at Donya Teresita.
"Congratulations, Addie," nakangiting bungad ni Don Luisito. "Aba ay manang-mana talaga kay Diana. Matalino na, maganda pa."
He lets out a hearty laugh, and so does my grandfather.
I was no match to my mother.
"Oo nga. Matalino at maganda, kaso minsan nga lang ay sakit sa ulo," si Lolo. Hindi ko alam kung biro o insulto pero hindi maipinta ang itsura ko. Hindi dahil sa sinabi ni Lolo, kundi sa sitwasyon kong ito. Nagpaalam na lang ako kay Lola na pupuntahan ko ang mga kaibigan ko at hinayaan silang magusap-usap.
"Hayaan mo na at bata pa naman 'yan. Hayaan mong magsaya. Ganyan din si Leon at si Levi, pati na rin yung iba kong mga apo," natawa si Don Luisito.
Nilibot ko ang mata ko para mahanap si Malia. I quickly spotted her talking with her parents.
"Malia!" pagtawag ko.
"Oh, Addie!" aniya.
"Congrats, hija!" bati ng magulang ni Malia sa akin. I forcefully stretched a smile on my face so I won't disappoint.
BINABASA MO ANG
Between the Ice of Hearts (Cold Hearts Series #1)
General FictionAddison Bermudez, a careless, carefree teenager who thinks that her life has no direction at all. She thinks that she's a hopeless case. Like what her famous saying, "I can do whatever the hell I want with my life." When things change, a lot for thi...