Chapter 1

602 6 0
                                    

I have been writing stories since 2017, but more clever ideas came back in 2019 but didn't got the chance to publish my works since I don't have the confidence to do so.

I have been writing this story since 2020, when quarantine happened, and there you go.

No soy tan buen escritor, that's why I don't publish my works. But still, I really do hope you'll like it :))

Not affiliated with the mentioned universities in here (ADMU, UP, UST, DLSU, etc.)







***






"Ano ba 'yan! Ang bagal mo ha!" inis na sabi ni Malia sakin. Inirapan niya ako.

"Nandoon kasi si Ma'am sa classroom," paliwanag ko. "Inisahan ko lang siya."

"Tara na!" iritang sabi niya. "Sabi ko kasi sa'yo, sumabay ka na kila Leon! Hinintay mo pa kasi!"

"Eh sino bang nagsabi sa'kin kanina na tingnan ko muna baka dumating si Ma'am?!" asik ko.

Kanina pa kasi siya naghihintay sakin. Nauna na kasi yung iba naming kaibigan sa lalabasan namin at panigurado ay naiinip na 'yon. Mamaya ay may makahuli pa sa kanila.

We're a bunch of students at a public high school, where we clearly, just wanna have fun. Iba samin, may pangarap, yung iba pumapasok lang ata para makita ang tropa, kalimutan saglit ang mga problema, tulad ko. At yung iba wala lang.

I don't think school fits for me. It wasn't. Ano ba ang mapapala ko sa pagpasok? Heck, I can even be successful without studying basta masipag at madiskarte ka.

Too bad I don't have both.

Plano namin na mag cutting dahil wala naman na teacher na pumapasok. Tatlong oras na ata kami doon na naghihintay sa teacher namin at hindi pa rin dumarating kaya nauna na sila Eliza, Lauren, Paul, Adrian, Matt, Justin, Leon at Gael. Pero pinaiwan ako saglit ni Malia hanggang sa maaabutan ako. Dumaan kami sa may butas, at ang diretso nun sa may bayan.

"Bilisan niyo lumusot!" gigil na sabi ni Ross.

Nang nakalusot kaming lahat, agad kaming tumakbo papalayo. Dumiretso sila Paul at Adrian sa isang convenience store para bumili ng alak.

"Nice one!" ani Justin sabay palakpak nang makita yung mga alak.

Nagpunta kami sa isang bakanteng lote na tinatambayan namin. Syempre, itong sila Paul at sagot na nila ang baso. Bumili sila ng Alfonso Uno saka litrong coke para sa chaser.

"Oh eto," ani Leon. "Pag huminto yung tumbler ko at kung kanino nakatutok, siya unang shot."

Lahat kami nag agree at pinaikot niya yung tumbler niya. Mga expert talaga kami dito dahil ilang beses na namin nagawa 'to nang hindi kami nahuhuli. Nakita ko naman na nagsindi ng sigarilyo si Gael.

"Buena mano, si Addie mauuna!" natatawa niyang sambit. "Simula kay Addie, pa kanan!"

Ininom ko ng diretso yung alak sabay inom ng chaser. Kumain naman kami ng chichirya habang umiinom. Sunod na uminom si Malia saka si Eliza hanggang sa umikot pabalik sakin.

Naubos namin ang isang bote at yung mga natira na lang yung mga chichirya. Medyo nahilo na sila Eliza at Lauren kaya inalalayan namin sila. Dahil kanina, nagpustahan sila Matt at Justin, ang dalawang gago ay lasing.

"Ayan, pustahan pa!" pang-aasar ko. "'Kala mo talaga eh!"

Nakahiga na si Matt sa kalsada habang hinahatak nila Leon at Paul si Matt. Nagulat ako nang sinampal naman ito ni Justin.

Between the Ice of Hearts (Cold Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon