"Ang ganda naman ng apo ko," si Lola sabay halik sa ulo ko.
Nagpunta siya sa eskwelahan para bumili ng uniform at may nametag na rin ito at agad rin kami nakakuha ng mga uniform. Nag-aalangan kasi siya baka may adjustments sa uniform ko kaya pinasukat niya ulit. Bukas na rin ang pasukan at handa na lahat. Nandito na rin ako sa condo na malapit sa school. Bagong bili lang din ito ni Lolo at simula ngayong gabi at sa mga susunod na araw, dito na ako mananatili.
Mas excited pa si Lola na pumasok ako sa school. Sana siya na lang nasa pwesto ko ngayon.
"Mag-iingat ka dito ha? Pupunta na lang si Ising dito para ipagluto ka ng pagkain," si Lola.
Binigyan ako ni Lolo ng mga card kung saan magagamit ko siya pag nag withdraw ako ng pera. Binigyan niya din ako ng cash dahil bukas ay paniguradong sa school ang diretso ko.
Last night was crazy since I couldn't sleep. I don't know but this is unusual. Kinakabahan ako ngayong first day of classes.
My uniform is in all white, but this time, it's trousers. Nagdala din ako ng jacket dahil sobrang lamig ngayong umaga.
Addison Castro: HOY NASAAN KA NA?
Addison Castro: Pwedeng makiskwater muna sa condo mo? Dala ako foods HAHAHAHAHA
Hindi sumasagot ngayon si Malia kaya bumaba na lang ako at dumiretso sa McDo para kumain ng agahan. Marunong naman akong mag prito kaya lang ay tinatamad ako ngayon.
Hindi pa rin sumasagot si Malia sa mga chat ko. I bought two meals for today baka ay gustuhin nung babaeng 'yon na kumain ng agahan.
Malia Enriquez: Kita kita sa McDo. Puntahan kita wait.
Kahit 'di pa siya dumarating ay sinimulan ko na kumain. Napakatagal naman nung babaeng 'yon. Nung nasa Nueva kami ay siya ang Most Punctual at ako ang pinakalate syempre.
"Kain ka na, libre ko," sabi ko.
"Buti na lang hindi ko kinain yung hotdog at rice na dapat agahan ko. Tanghalian na lang natin 'yon," natatawang sabi niya.
Pagtapos namin kumain ay agad na kaming nagpunta sa school. Ang daming tao ngayon at medyo ligaw-ligaw pa kami. Nandito kami sa main building at hahanapin pa namin ang building ng FMS.
Hanggang college ay magkaklase kami ni Malia. Kaunti lang kasi ang natatanggap sa LEAPMed and I must say that I'm lucky enough to be in the program.
Naninibago pa kami ni Malia pagpasok sa loob. They seemed to be getting along and we felt a bit left out and inferior. Naghanap kami ng upuan para kami mismo ang magkatabi.
"Hello! I'm Iya, you are?" masayang bati ng babae sa kanan ko.
"I'm Addie. She's Malia, my best friend," sabi ko.
"Bago lang kayo dito?" tanong niya.
"Isn't it obvious?" I asked. I tried not to make it sound like I'm being a bitch, but I can't help it.
The first two days of my class are fun. We made new friends at paminsan-minsan ay nagkikita pa rin kami ni Leon. Iyon nga lang ay after class dahil busy din kami pare-parehas.
Iya has been studying here in UST since highschool. Marami siyang sinabi sa amin ni Malia na sa palagay ko ay makakatulong sa buong journey namin dito.
If there's something I've learned and something has changed me, I'm not going at school empty handed anymore. That changed me. If I want to succeed and make up for what Malia did, I have to do this.
Palagi kaming nagtutulungan sa acads. So we both spend evenings together via video call and talk about acads.
Sabi sa amin ni Iya ay tradisyon daw sa school ang magkaroon ng welcoming ceremony para sa aming mga freshies. Mamaya daw ay may pupuntang president ng org at ituturo sa amin ang cheer at may mga ibibigay daw na giveaways. Hindi nga lang natuloy nung nakaraan dahil umulan.
BINABASA MO ANG
Between the Ice of Hearts (Cold Hearts Series #1)
General FictionAddison Bermudez, a careless, carefree teenager who thinks that her life has no direction at all. She thinks that she's a hopeless case. Like what her famous saying, "I can do whatever the hell I want with my life." When things change, a lot for thi...