Chapter 10

111 2 0
                                    

"Hoy, congrats!" bati ko kay Leon sabay high five.

Today is his graduation. Hindi kami kumpleto dahil yung iba ay busy at kung hindi naman busy ay nagbabakasyon. Kasama namin nila Malia sila Tito Primo, Tita Maricel, Ate Lea, Kuya Liam at Kuya Louis. Ngayong taon ay hindi lang si Leon ang gumraduate, pati na rin sina Lauren, Eliza, na ngayon ay busy na maghanda para sa application nila sa mga airline kaya hindi rin sila nakapunta dito. Aside from them, Gael also graduated Computer Engineering and Paul under the course of Chemical Engineering.

2nd year in med school was a blast. Who would've thought na aabot ako ng second year? We're already on our second year, yet some students dropped. Maybe because they failed to handle the pressures of their course or they switched courses. Hindi ko rin alam.

"Tara na at mag celebrate tayo," si Tita Maricel saka kami umalis. Dala ko naman yung sariling kotse ko kaya nagmaneho na lang ako papunta sa mansyon nila.

Hindi karamihan ang tao sa bahay nila dahil kami-kami lang din ang nandito. Friends and family, nothing more. Really intimate, I must say.

"Kulang mga pinsan mo ah," sabi ko.

"Wala si Levi. Nandoon sa Spain," sagot ni Leon.

"Bakasyon?"

"Doon nag-aaral," sagot niya. "I know that he's about to graduate too? Not sure, though."

Napatango na lang ako saka kumain ng cake. Nandito kami ni Malia sa garden nila habang nakaupo sa swing.

"Kulang kasi tayo. Mas masaya 'to pag kumpleto tayo."

"Hindi naman tayo left out dahil kilala naman tayo ng family nila Leon, so chill ka lang."

Parang nagdaan lang ang summer at balik na naman sa dati ang lahat. The entire third year of my med school revolved around clinical rotations, SGDs and tons of quizzes. They say that every 3rd year of our course is the most crucial one, and they did not lie about it. I watched my friends have mental breakdowns every exams, and comfort them as many tears were shed.

"May 3-hour SGD tayo," Malia announced after getting our drinks from the counter. Nandito kaming tatlo nila Iya sa coffee shop malapit sa UST habang nagrereview. We have a quiz at Pedia then Gyne tapos may biglang SGD ng tatlong oras! We have an hour to spare dahil pagbalik namin ay mapapasabak na naman ang utak namin.

Wala kaming inaksayang oras sa pagrereview kaya naman pagtapos ng 1 hour na break, agad kaming bumalik sa school para sa quiz.

"Ay, oh halimaw," sabi ni Malia pagkakita ng mga papel ko sa quiz kanina sa Pedia at Gyne na may perfect scores. Agad namin itinabi 'yon at naghanda sa SGD. "Ano bang format ng dasal mo? Baka naman pwedeng pabasbas, St. Addison?"

Napaikot ang mata ko at napailing na lang ako sa kalokohan nitong babaeng 'to.

After the three hours of SGD, we decided to eat for a while before going home.

Kakatapos ko lang umorder ng shawarma rice at may isang estudyante ng engineering ang lumampas sa table namin saka ako kinindatan.

"Ay dedma," natatawang sabi ni Malia sabay palo sa braso ni Iya. Lamog-lamog na siguro braso ni Iya. Kaya minsan mas gusto niya pang tumabi sakin kaysa kay Malia.

"Tumal ba tayo ngayon, girl?" malokong ngumiti sakin si Iya.

"May tatlo last week 'yan. Taga La Salle 'no?"

"Wala na. It's just a fling. Nagsawa na ako. Ganun talaga," bored na sagot ko.

"Bakit hindi ka na lang mag jowa? It's just the same. But the thing is, it's intimate," si Iya.

Between the Ice of Hearts (Cold Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon