"Wohoi!" natatawang bungad ni Adrian.
Nakarating na kami ni Leon dito sa school at kita ko ang mga bus na nakaparada dito. Medyo natagalan pa nga kami dahil nagbilin pa 'tong si Lolo kay Leon. Hinihintay na lang namin yung iba pang mga estudyante para maayos na kami doon.
"Aga-aga, sakit mo sa mata," pang-aasar ni Lauren. "Sa bagay, mukha kang buhangin."
"Baliw," si Adrian.
"Bili muna tayo ng pagkain sa Jollibee, gutom na ako," sabi ko. "Samahan niyo ako."
"Miss Bermudez, magpalit ka ng damit!" rinig kong sabi ng isa sa mga teacher namin. I rolled my eyes inwardly before facing my front and walked with Malia.
"No say naman sila sa suot natin. Kahit hindi tayo mag PE," si Malia. "Magkano baon mo?"
"5k? Ikaw?" tanong ko.
"3k lang," sagot niya.
I bought a burger steak and an iced tea for take out. Ganun din si Malia. Agad akong dumiretso sa CR para magpatong lang ng t-shirt. Alam kong aasahan ko na rin 'to. Pagsasabihan ako ng mga teacher, but oh well.
Umalis na kami saka kami bumalik at dumiretso sa bus namin. Agad akong pumasok at nakita ko yung tatlong brat sa pwesto namin. Agad naman napataas yung kilay ko.
"Oh, bakit 'tong tatlong clown nandito?" tanong ko kay Malia habang nakaturo kay Ronalyn at katabi niya ang apat niyang mga alipores. "Tama naman 'tong bus number at sitting arrangement natin, di'ba?"
"Uupo kami kung saan namin gusto," sabi nung top 1 sa klase namin.
"Alam mo, Ronalyn, Top 1 ka nga, bobo ka naman sa comprehension. Partida, nakikinig ka na niyan pero ang hina umintindi ah? How bobo," I mocked. "Di'ba nung announcement ang sabi ni Ma'am, 'first come, first serve'? Eh pagkatapos i-announce nung tungkol sa field trip nagbayad na kami," taas-kilay na sabi ko.
Umikot ang mga mata niya saka siya umalis. Naupo kami ni Malia saka namin hinintay sila Leon na panigurado ay bumili ng agahan nila.
"Pikon," Lauren laughed. "Bakit kaya naging top 1 pa 'yan e tanga naman?"parinig na tanong ni Lauren.
"Naging top 1 pa 'yan, bida-bida ata!" si Malia. "Mamaya sipsip lang pala sa mga teacher 'yan! Mas deserve pa ni Addie ang top 1!"
"Tamad nga ako, top 1 pa nga!" sabi ko sa kanilang dalawa.
Palagi nilang sinasabi sakin na ang talino ko raw! I used to fail subjects in high school dahil ayokong mag aral at nawalan na rin ako ng gana na patunayan ang sarili ko sa mga tao. Sila lang talaga ang nag pu-push sakin na mag aral ako. Magtaka kayo bakit matataas ang grades ko, while I barely do anything. Kumokopya lang ako sa exams at quizzes tapos hindi ako gumagawa ng assignments at projects. Sila pa nga ang gumagawa ng mga school works para sakin, while I never asked for it in the first place.
Kita ko ang pagpasok nila Leon at may dala rin silang pagkain sa Jollibee. Tabi-tabi kami nila Malia, Lauren, Leon at Adrian saka kami sabay-sabay kumain.
"Psst," I nudged Leon. "Crush mo oh!"
Nakanguso kong tinuro yung babae. She's from Grade 11 ABM and I must say that Leon has a thing with beauty and brains kind of girl. Nakausap ko na 'yon once lang during intrams, where she was with the TVL - Cookery students dahil nagtinda sila ng pagkain nung intrams. Palangiti at magalang. Like a fine, prim and proper lady. She has this striking confidence level. Paano lumalaban din kasi sa mga beauty pagents ng sitio at maging sa eskwelahan. For me, beauty queens are the most confident people I know.
"Gusto mo tabi kayo?" nakangisi kong tanong sa kanya. "Ako na bahala doon sa kasama 'non. Balita ko crush daw nung kaibigan nun si Adrian. Pauupuin ko si Adrian doon sa best friend 'non, gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Between the Ice of Hearts (Cold Hearts Series #1)
Fiksi UmumAddison Bermudez, a careless, carefree teenager who thinks that her life has no direction at all. She thinks that she's a hopeless case. Like what her famous saying, "I can do whatever the hell I want with my life." When things change, a lot for thi...