Shadow Of Tears:[Part 19]

726 277 94
                                    

Chapter 19

         Tyson Go's POV

           Tic-toc-Tic-toc-Tic-toc, nakamasid lamang ako sa labas ng kwarto ko ngayon. Habang nakatingin sa gate ng bahay. Mag kakalahating gabi na pero wala parin si Shenny. Nasan na ba ang pasaway na babaeng yun? Aisssh. Mananagot ako nito nila Mom at Dad pag nalaman na iniwan ko si Shenny dun sa club -_-

            Kasi naman ang kulit niya eeh, sabing 11:30 palang dapat nakauwi na kami. Dati kasi kahit umagahin kami, okay lang. Pero ngayon, hindi na. Dahil nga sa trahedyang nangyari sa school. Naawa naman ako kay Shenny, ayaw niya pa kasing umuwi. Kaya yun, pinayagan kong mag-stay dun kasama ang Top Students, pero hanggang 12:00 am lang.

             Malipas ang ilang minuto. Hindi parin siya dumating. Kinakabahan na ako.

Kaya naman, agad akong nagcoat at bumaba papunta sa kotse ko para sunduin si Shenny ng---

               "Sir, hindi po kayo pwedeng magmaneho mag-isa." Biglang salubong sakin nung isa sa bodyguard ko. Really? Hindi pa sila natutulog? Haysss.

                "Susunduin ko lang si Shenny." Anas ko at binuksan ang pinto pero pinigilan niya ako.

                 "Hindi po talaga pwede."

                  "God!! D*mn it!!" Nakakainis. Ano pabang magagawa ko? Eh nasa kanila pala ang susi ng kotse? Kaya yun, sinamahan na naman ako ng mga mokong na'to. Hay naku. Baby lang ako? Tsk -_-

              We are making our way to the club ng may biglang sasakyan ang tumigil sa harapan namin. Serbato ng serbato naman 'tong driver ko pero, hindi naman nakinig yung driver ng kotse. Lasing ata ehh. Bumaba naman yung driver ko atsaka lumapit sa may kotseng yun. Nanatili naman akong nakaupo sa loob ng kotse. At ilang minuto pa ay hindi parin nakaalis yung kotseng yun. Pati rin ang driver ko, hindi pa bumabalik. Nakakapagtaka naman.

            Bumaba naman ako sa kotse. At as expected, sumunod na naman sakin ang mga bodyguards.

             Bigla namang may bumaril kaya napayuko ako kaagad. SHIT!!!

             Kinover naman nila ako kaagad.

"Ipasok niyo si Sir!!" Sigaw nung isa kong bodyguard. Agad naman nila akong hinila pabalik sa kotse ng bigla nalang inatake yung mga kasama kong guards ng isang----- babae.

          May mahabang buhok, na may maskara. Nakablack siya lahat.

           Sinugod niya yung mga bodyguards ko bago paman ako makapasok sa kotse. Bullshit! What's happening. Natalo niya naman lahat yun. Lahat ng bodyguards ko, tumba niya. At ngayon, nakaturo sakin ang baril niya. Kaya napaatras ako.

"S---sino ka?" Utal kong tanong sakanya. Pero ang tanging sinagot niya ay isang mala-demonyong ngiti mula sa labi niya.

              Napapa-atras lang ako habang kinakabahan. Ng bigla kong nahawakan ang isang baseball bat na nasa kotse ko atsaka ay ipinalo ko sakanya yun kaso naiwasan niya saka ay agad na nahawakan ang kamay ko at hindi ko na alam ang ginawa niya basta't nabigla nalang ako ng may dagger nang nakagiit sa leeg ko. Hindi naman ako makagalaw.

            At bigla nalang---- *booogs*

            Natumba bigla yung babaeng nagturo ng dagger sa leeg ko. Kasi may biglang dumating na babaeng nakaitim parin saka ay nakamask ng itim sa bibig niya. Nakaponytail siya. At saka ay tinapatan yung nagtangkang patayin ako. Teka, ibig sabihin, nililigtas niya 'ko? Teka, siya ba yung---- Guardian Angel ko?

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon