Shadow Of Tears:[Part 54]

413 152 15
                                    

Chapter 54

Tyson Go's POV

Kasalukuyan akong nakatayo sa may veranda ng hospital. Nagpahangin lang naman ako. Maya-maya ay napagdesisyunan kong bumalik na sa Room ni Dad.

I am making my way to Dad's room nang, bigla kong namataan ang isang babaeng nakatayo sa labas ng kwarto ni Dad. Napasuri naman ako kung sino 'yon. Mukha kasi siyang umiiyak.

Napansin ko namang napapatingin na halos lahat sa kanya. Nabigla naman ako nang makilala ko siya.

Krissy.

Agad naman siyang umalis at nagmadaling lumayo. Oh no, 'di 'to maganda, 'di niya ata alam na hinahanap na sila. Napadali naman ako sa pagtakbo. Hinabol ko siya. Kaso, ang bilis niya eh. Nawala siya bigla sa paningin ko.

Until,  naabutan ko siya. Palabas na sana siya sa Exit kaso may mga pulis na papasok kaya napabalik siya. Tiyempo naman at nakakita ako ng isang stockroom kaya agad akong pumasok doon. In-open ko ng kaunti 'yong pinto para makasilip.

Malapit na si Krissy sa may pinto kaya agad kong binuksan ang pinto saka ay hinila siya papasok. Bigla naman akong kinabahan nang itinutok niya ang kutsilyo sa leeg ko.

"T-Tyson?" Gulat niyang tanong. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya saka ay nag 'Sssh' sign.

"This area is clear. Wala siya dito." Rinig naming boses mula sa labas. Hanggang sa marinig namin ang yabag ng mga paa nila na papalayo mula dito.

Binitawan naman ako agad ni Krissy. Saka ay napabuntong hininga ako.

"Hooooh." Anas ko sabay hawak sa dibdib ko. Napatingin naman ako ng masama kay Krissy. Nakakainis siya. Muntik ng matapos ang buhay niya.

Agad ko namang hinawakan ang balikat niya. Saka ay niyugyog siya.

"Baliw ka ba, Bakit ka ba nagpakita dito? Ha?! Muntik ka ng mapahamak!" Galit kong sigaw sakanya. Aish, ewan ko.

Tahimik lang naman siya habang nakayuko. Napansin ko namang, napapasinghot siya. Teka, umiiyak ba siya? Dahan-dahan naman akong napatingin sa mukha niya. Pero, 'di ko talaga makita kaya inangat ko ang ulo niya. At nakita kong may mga luha nga ang mga pisngi niya.

"T-teka, b-biro lang naman Krissy. 'Di talaga ako galit." Bawi ko sakanya. Umiiyak ba siya dahil sinigawan ko siya?

Bigla naman siyang napatingin sakin ng masama.

"Hoy Tyson, bakit mo ba ako tinulungan, ha? Alam mo bang isa akong kriminal? Kasalanan ang ginawa mo. Pwede kang madamay sa ginawa mo!" Sigaw niya habang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata nito.

"K-Krissy." Tanging anas ko saka ay agad ko siyang niyakap.

"Ssh, okay lang Krissy. Tahan na." Pagpapatahan ko sakanya." 'Wag ka ng umiyak, nahahawa ako eh.

Lumipas naman ang ilang minuto ay tumahan na siya. Nagpaalam ako sakanya para kumuha ng maiinom. Sabi ko na, hintayin niya lamang ako. Tumango naman siya.

Ilang minuto lang naman at nakabalik na ako nang, wala na si Krissy doon.

Nasaan siya?

Agad naman akong tumakbo palabas sa hospital.

Hindi ka pa pwedeng umalis Krissy. May gusto pa akong sabihin. Please, bumalik ka.

Nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo para hanapin siya. Napahinto naman ako sa gilid ng kalsada. Palingon-lingon ako ngayon. Nasaan ba siya?

Bigla namang bumungad saking paningin ang isang sasakyang pawili-wili sa daan. Mukhang, nawawalan siya ng control.

"Tabi!" Sigaw nung driver ng kotse na nasa 'di kalayuan na lamang. Nagsitabi naman ang lahat ngunit, 'di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Ba't ayaw kong tumabi. Ba't may pilit na binubuong imahe ang utak ko?

Nanlaki naman ang mga mata ko nang papalapit na sakin ang sasakyan at masasagasaan na ako nang, bigla nalang may tumulak sakin kaya'y sabay kaming nadapa sa kalsada. Agad namang nabaling ang paningin ko sa sasakyang 'yon at nabunggo iyon sa isa pang sasakyan.

Nagulat naman ako nang sumiklab ang apoy mula sa mga sasakyang 'yon. At may imaheng bigla nalang nabuo sa isipan ko.

'I want my Mommy! Hohoho.'

'Dadalhin kita sa Daddy mo.'

'No, I wanna go home.'

Teka, ano ba 'tong mga imahe ang nasa utak ko ngayon. May nakikita akong isang batang naka-upo sa likod ng kotse't umiiyak.

'Let me go home!'

'Shhhh, ah~ahh!'

*Screeeeeeech*

"Hindi!" Bigla kong sigaw nang makilala ko ang batang nasa mga ala-ala ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Naaalala ko ang araw na naaksidente ako.

'Ate Kendice, Happy Birthday!' Bati ng isang batang lalake sa nakatatandang kapatid nito.

"No!" Sigaw ko nang maalala ang araw na 'yon. Ang araw na pinatay sila Mommy't Daddy. 'Yong araw na napuno ng dugo at apoy ang paligid.

"Shone?" Nabigla naman ako sa biglang nagsalita. Kaya'y napatingin ako sa taong naka-upo sa gilid ko ngayon.

Shone? 'Yon ang totoong pangalan ko.

Bigla namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ate Kendice?" Mahina kong sambit nang makilala siya.

"Shone!" Masigla niyang sambit habang tumutulo ang mga luha nito saka ay niyakap ako.

Ganun rin naman ako. Niyakap ko rin siya.

Bigla nalang may humila sakanya. "You're under-arrest Miss Davinson." Anas ng pulis saka ay pinusasan si Ate Kendice.

"No, leave her alone!" Sigaw ko saka ay lumapit sakanila ngunit itinulak nila ako palayo.

"Ate." Mahina kong sambit nang makalapit muli sakanya.

"Help Krissy Shone. Tulungan mo siya. Please, iligtas mo silang dalawa." Anas niya bago paman siya ipinasok sa loob ng kotse.



Ate Kendice.  Teka, 'di parin ako makapaniwala sa mga pangyayari.

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon