Shadow Of Tears:[Part 27]

612 268 171
                                    

Chapter 27

Ryan Lim's POV

Nakahiga lamang ako sa sofa habang nakikinig ng musika. Grabi, nakaka-stress ang mga nangyayari ngayon. Naging busy na lahat. Nakaka-inis din ang mga task na binibigay sa'min. Haysss.

*Ringtone Playing*
~Incoming Call: Daddy~

"Hello, dad."

[I told you to treat her good.] Seryoso niya'ng sabi.

"Bakit ba?"

[Kung balak mo siya'ng ilayo sa'yo. Sana naman hindi sa gano'ng paraan.] Bigla naman ako'ng nagtaka sa sinabi niya.

[Buksan mo ang instagram mo. Nakakahiya ka. Pinahiya mo ang isang inosente'ng babae.] Tapos tinapos na niya ang call.

Ano ba'ng ibig niya'ng sabihin? Ano'ng ipinahiya? Agad ko na nama'ng binuksan ang account ko sa instagram.

Bigla naman ako'ng nagulat sa video'ng bumungad sa'kin. Trending ito sa instagram. Agad ko nama'ng binuksan ang video'ng 'yon. Ito 'yong oras na kina-usap ako ni Euny sa labas ng Resto no'ng birthday ni Shenny. (Remember niyo po ba 'yon?)

Binuksan ko 'yong mga comments.

'What a poor girl. Bakit ba niya pinipilit ang sarili niya kay Papa Ryan?'

'How could that girl talk back to our handsome Ryan?'

'Alam ko'ng fiancee siya ni Ryan. Pero ayaw ni Ryan sakanya kaya wala siya'ng karapata'ng sumagot sakanya.'

'Grabi, ang kapal ng mukha ng babae'ng 'yan. May pasigaw-sigaw pa siya? Grabi. Ang sarap sampalin!'

What the?! Pa'no ba'to umabot sa internet? May paparazzi ba ako? O kun'di, may paparazzi ba si Euny? Bigla naman ako'ng nag-alala. Sh*t!

Euny Hye's POV

"I CAN'T BELIEVE THIS! HOW COULD YOU LIE TO US EUNY?!" Sigaw ni mommy sa'kin. Napayuko naman ako. Nakita na niya kasi 'yong video. Pati rin ako nagulat sa nakita ko. Nanahimik lang ako. God! How could this happen?

"AKALA NAMI'NG MAAYOS KAYO'NG NAGSASAMA." Napayuko na lamang ako. Wala na naman ako'ng magagawa. Tsh. Grabi, nakakabilib talaga ang internet. Within just one click, kakalat agad. Para ba'ng virus na wala manlang segundo ay nanghahawa na ng iba.

Agad naman ako'ng tumayo sabay kuha ng jacket ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Daddy sa'kin.

"Pupuntahan ko si Ryan." Anas ko sabay alis. Kailangan ko siya'ng makita. Kailangan ko siya'ng maka-usap.

~♥~

(ROYAL SCHOOL)

Dito ako nagtungo. Hindi ko alam kung pumasok ba si Ryan sa klase niya. Kaya sana nga, nandito siya ngayon sa school dahil kailangan ko siya'ng makausap.

Nagmaneho ako'ng mag-isa. Naka-uniform pa nga ako eh. Nasa all girl's school ako nag-aaral. In-excuse ako nila mommy't daddy dahil sa video'ng 'yon. Nakakainis. Puro sigaw ang natanggap ko.

Naka-parking na ako. Break time na siguro, kasi marami na ang mga estudyante'ng naglalabasan. Napabuntong hininga naman ako.

Pagkalabas ko sa kotse. Bumungad agad sa'kin ang mga masasamang tingin ng mga estudyante dito. Grabi. Parang pinapatay na nila ako sa utak nila. 'Kala mo'y patay na dahil sa sobrang lamig ng titig nila. Hindi ko naman pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglakad. At ayon, puro bulong-bulungan ang narinig ko.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon