Shadow of Tears: [Part 41]

480 222 34
                                    

Chapter 41

Tyson Go's POV

Nagmadali akong tumakbo patungo sa classroom. Kagagaling ko lang sa Guidance Office. Kinausap lang naman kami ng Guidance Counselor tungkol sa nangyari kanina.

Bigla kasing dumating si mommy kanina at naabutan niya kaming nagkakagulo. Wala naman kaming punishment na natanggap dahil wala naman kaming kasalanan.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, sana naman maabutan ko pa sila.

Pagkarating ko sa classroom. Nakalock na ang pinto. Aish, nakaalis na sila. Bakit pa kasi hindi kami sabay na pinapasok sa Guidance Room. Huhu, sila kasi unang kinausap saka ay kaming dalawa ni Shenny, at huli naman ang mga classmates ko.

Napatakbo na naman ako pababa at patungong first floor nang mamataan ko si Krissy na kalalabas lang sa building ng school.

"Oh? Krissy!" Biglang umaliwalas ang mukha ko nang makita ko siyang naglalakad mag-isa. Ay, hindi pala. Nakasunod pala siya kay Shone.

Tumakbo naman ako ng mabilis at hinabol sila. Nabubunggo ko na nga ang lahat ng kasalubong ko eh.

"Ow!" Angal ko nang mabunggo ang kanan kong balikat sa Pay Phone Stand. Huhu, ang sakit.

Pero binalewala ko parin 'yon saka ay nagpatuloy parin sa paghabol kay Krissy. Wala lang, gusto ko lang magpasalamat sakanya.

"Krissy!"  Sigaw ko, at narinig niya ata ako kasi lumingon siya eh. Kaya ayon, bigla akong napangiti hanggang tenga.

Malapit ko na siyang maabutan, kasi nga huminto siya sa paglalakad at hinintay ako. Siguro'y walong hakbang nalang at maabutan ko na siya nang *Plaaaaaaaag* Waaah, bigla akong nadapa.

Narinig ko namang humalakhak ang mga estudyanteng dumadaan sa gilid ko. Aish, nakakahiya masyado eh. Masyado kasi akong naexcite, tsk.

To make it not look much shameful, tumayo ako with confidence. Saka ay napangiti muli sabay tingin kay Krissy at nahuli ko siyang tumatawa ngunit agad niya namang binawi 'yon nang mabantayan niyang nakatingin ako sakanya.

Aish, nahihiya ba siyang makita ko ang mga ngiti niya? *Scoff*. Ang ganda niya eh.

Naglakad naman ako palapit sakanya.

"A-ano bang kailangan mo?" Nauutal niyang sabi.

"Ah, kasi alam mo, nais kong magpasalamat sa ginawa mo kanina." Sagot ko.

"Ah, 'yon lang?" 'Yon nga lang ba?

"Sige, mauna na ako." Paalam niya pero pinigilan ko siya. Saka ay, ibinigay 'yong something na nasa bulsa ko.

Ano 'yon, para siyang~ basta, ipapakita ko nalang. Isa siyang hairpin.

Nagtaka naman siya sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtaka naman siya sakin. Kaya agad ko na 'yong inilagay sa buhok niya.

"Bagay sayo." Sabi ko habang nakangiti sakanya. Hindi naman siya nag-comment kundi napahawak siya sa hairpin na 'yon.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon