Shadow Of Tears:[Part 21]

780 275 173
                                    

Chapter 21

                          Top Jung's POV

    Naglalakad na ako papuntang classroom. Tinawag kasi ako ni Shenny. Well, pag-uusapan lang naman namin ang tungkol sa report namin. Hayss, naku naman lord kailangan ba talagang kami ang maging pair? Aisssh.

    Napakamot naman ako sa ulo ko. Tiyak akong magiging magulo 'tong discussion namin. Eh, kasalanan ko ba kung talagang maldita ang babaeng 'yon? Tssk.

    Malapit na ako sa classroom ng bigla kong nakita si Shone? Nakatayo siya sa labas ng room, sa may pinto. Pero yung parang, nakasilip lang siya sa loob? Teka, ano bang ginagawa niya? Ba't ba 'di nalang siya pumasok? Lumapit naman ako sakanya. At nakisilip narin ako.

"Ano bang meron?" Tanong ko sakanya. Nabigla naman siya sa'kin kaya napatayo siya ng maayos.

"Ahemm---ahemm, wala naman." Nahihiya niyang anas sakin. Aba! Nahihiya din pala 'tong lalakeng 'to? Hahaha! Nakakatawa 'yong mukha niya. Halatang-halata eh!

"Hoy Shone ha! May pagnanasa ka kay Shenny ano? Ayiieee!" Pangungutya ko sakanya.

          Sininghagan niya naman ako.

"Tumahimik ka nga. Para kang baliw eh! Makapag-isip, ibang klase!" Inis niyang sabi saka ay nagwalk-out!

    Hahahaha! Pikoning tao oh? Tssk. Grabii, 'di ko inakalang magkakagusto ang weird na lalakeng 'yon sa malditang si Shenny. Hahahaha! Akalain mo ba naman 'diba? Parang----

"Ayy, bwiset! Nakakainis!" Naputol bigla ang pagmumuni-muni ko ng biglang sumigaw si Shenny. Anak ng pating! Pakiputol nga ng dila nitong babaeng 'to!

     Pumasok naman ako sa loob saka ay umupo sa kabilang upuan. Kebale, magkaharap kami ngayon. Hindi ata ako napansin ni Shenny kasi patuloy parin siya sa pagsusulat.

     Ano bang sinusulat niya? Dahan-dahan naman akong sumilip sa notebook niya. Feeling ko nga, napakaseryoso niya eh. Para nga akong giraffe eh, tumataas leeg ko! ^____<

     Ayon, Nakikita ko na 'yong sinusulat niya. Pero 'di ko pa mabasa. Natatakpan kasi 'yong kalahati ng notebook niya. Mas tinaasan ko pa 'yong leeg ko. Hahaha! Nagmumukha na akong katawa-tawa -_____- Napapanguso na nga ako dito eh, mabasa ko lang 'yong sinusulat niya. Atsaka-- Ayon! Kita ko na! Kyahahaha!

                 I---Hate----Y__ou---Sh---Sho--

"What the!!" Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang sumigaw si Shenny. Oops. Nahuli niya 'ko O(≧∇≦)O

         Napa-peace sign naman ako ✌

"Oops, baby. Peace babe!" Pagloloko ko sakanya. Saka naman ay sinapak niya ako ng notebook niya!

"Chismoso ka talaga! Chismoso! Chismoso!" Sigaw niya habang pinagsasapak-sapak ako ng notebook niya.

"Aray!! Tama na nga!" Anas ko sabay wakli ng kamay niya. Tiningnan ko naman siya ng masama at napakaseryoso. Ganun din naman ang ginawa niya. Para nga'ng papatayin niya ako eh!

       Saka ay---

"Pffft...Pfft. Buahahahahaahaha!!" Humagalpak ako ng tawa! Hindi ko na napigilan eh! Natatawa na talaga ako! Bigla ko kasing narealize na 'I HATE YOU SHONE' pala ang mabubuo nung binasa ko. Hahaha!

"ANO BA! TUMIGIL KA NGA! NAKAKAINIS KA NA!" Galit niyang sigaw sakin. Umuusok na nga ang tenga niya eh! Hahaha.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon