Chapter 5

1K 297 123
                                    

Krissy Davinson's POV


Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Papunta na ako sa locker ko. Si Shone naman, umuna na sa room.

Naglalakad lang ako ng biglang lumapit si Shenny sakin.

"Hi!" Bati niya sakin.

But I gave her nothing, even an expression wala.

"Wala ka bang ibang alam na expression?" Tanong niya. Ano naman ang kailangan niya sa ngayon?

"Tsh." Tanging reaksiyon ko saka ay nilagpasan siya. Kaso sumabay siya sakin sa paglalakad.

"I heard that you are active pagdating sa sport." Sabi niya pero 'di ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"And your brother, he's good at jodo, he's cool!" Dagdag niya.

But still, I ignore her.

Bakit ba bigla nalang siyang naging palakaibigan?

"Okay, alright!" Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

Tiningnan ko naman siya ng masama tapos ay napatingin ako sa kamay ko na hinahawakan niya.

Napatingin din naman siya dun.

"Ooh, sorry, i didn't mean it." Paumanhin niya sabay bitaw sa kamay ko.

Tiningnan ko naman siya.

"Look here," Sabi niya sabay abot sakin sa papers. Tinanggap ko naman 'yon.

"We want you to join our group sa Royal Game. It's a request from the principal. We heard kasi na magaling ka sa Archery and uhm, 'yong brother mo kailangan din namin siya para sa Jodo Category. Take it as a privilege."

"Sorry but no," Tanggi ko sabay sauli sakanya nung mga papers.

"Aren't you going to read it?" Tanong niya.

"I'm not interested."

Agad naman akong naglakad palayo sa kanya.

                   Shenny Go's POV

"The very first girl who bugged my sister." Napalingon naman ako sa likuran ko.

Kakaalis lang ni Krissy.

"Yeah, how does it feel?" Dagdag naman ni Ryan.

"Shut up! It's not funny." sigaw ko naman atsaka ay muling napalingon kay Krissy na naglalakad palayo.

"Ang sexy niyang maglakad." Puri ni Sean habang nakatingin kay Krissy

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"What? It's true."

Whatever!

"Pano 'yan? Sa tingin ko, gawin na natin ang plan B. Ikaw na bahala Tyson," Puna ni Top.

Sana nga magtagumpay sila.

•••

Tyson Go's POV
(Classroom)


Break time na ngayon, kaya nagsilabasan na ang mga students. Pero nagpaiwan kaming lima.

Kasi naman nagpa-iwan din 'yong dalawang Davinsons. Well, natutulog 'yong Shone at si Krissy nakaupo lang.

May plano kasi kami.

Nag-aayos na ng gamit si Krissy ng biglang nahulog ang ballpen niya.

Nakahanap na ako ng tiyempo!

Agad ko namang pinulot ang ballpen niya saka ay inilagay 'yon sa desk niya.

Napatigil naman siya sa paglalagay ng mga libro sa bag niya at napatingin sa ballpen. Kinuha niya naman ang ballpen  at inilagay din 'yon sa bag niya.

Teka, hindi manlang ba siya titingin sakin? Aba! Ibang klase. Hindi manlang ba siya magpapasalamat?

Hinila ko naman 'yong upuan ko at ipwinesto 'yon sa harap ng desk niya. Kaya ngayon ay nakaharap ako sakanya habang nakaupo.

"Ah, hi! Ako si~" hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko kasi naman agad niyang isinuot ang earphone sa tenga niya at sumandal sa chair sabay pikit sa mata.

Okay, nabastos ako dun.

Akmang tatanggalin ko sana ang isa sa eearphone niya ng biglang may pumigil sa kamay ko.

Si Shone.

"Ah," Agad niya namang iwinakli ang kamay ko.

Napatingin naman ako sa apat. Nakangiti si Shenny sakin saka ay nilapitan ako.

"The very first girl who ignored you. How does it feel kuya?" Bulong niya sakin saka ay ngumiti. Nakakainis na ngiti.

Napatingin naman ako kay Krissy, "Ibang klase ka." Bulong ko.

To be continued..

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon