Chapter 1

3K 344 117
                                    

Kendice Davinson's Point Of View

"Happy 8th birthday Kendice!" Bati ni mommy at dad sakin habang hinahawakan ang cake na may candle. Bakas sa kanilang mukha ang tuwa habang palapit sila sakin.

"Thank you mom!" Ani ko.

"Happy birthday ate!" Bati naman ni Shone sakin. He's my younger brother. Ang makulit kong kapatid. Agad ko naman siyang niyakap.

"Ate Kendice, happy birthday!" Biglang bati sakin ng batang babaeng isang stranghera't 'di ko kilala. Pinangalanan siyang Krissy nina Mommy at daddy.

Bigla naman akong natigilan. 'Ate Kendice?' Tinawag niya akong ate? Napalingon naman ako sakanya. Abot tenga ang ngiti niya. Napaka-inosente niyang bata. Nagdalawang isip naman ako kung yayakapin ko siya at sasagutin ko ang bati niya.

"Kendice, anak?" Biglang anas ni daddy sabay nod sa akin.

Kaya nama'y pinilit kong ngumiti kahit na ayaw ko. Atsaka naman ay agad na niyakap si Krissy.

"Okay, blow the candle Kendice." Masayang sabi ni daddy.

Aktong hihipan ko na ang kandila ng biglang tumalsik ang dugo ni daddy sa cake ko sabay ng tunog nung pagputok ng baril.

"Daddy!" Sigaw ko sa sobrang gulat. Nagsidatingan naman ang iilang mga lalakeng nakamaskara.

"Daddy!" Sigaw naman ni Krissy at aktong lalapit siya kay daddy ng biglang sinapak siya nung lalake ng baril sa mukha at nawalan ng malay.

"KRISSY!" Sigaw ni mommy sabay takbo palapit kay Krissy nang biglang tinamaan ng bala sa likod si Mommy na siyang ikinagulat ko.

Agad ko naman siyang nilapitan.

"Mommy,"

"Go Kendice."

"No mommy, c'mon let's go!"

"No Kendice. Leave mommy alone. You must go now. Save Krissy and Shone."

"No." Tanggi ko saka ay umiyak.

"No mommy." Sabi ko nang bigla nalang sumiklab ang apoy sa paligid at 'di ko alam kung saan nagsimula.

"Umalis ka na!" Mahinang anas ni mommy. Habang umiiyak, at maya-maya'y pumikit na nga't nawalan ng buhay si mommy.

"Mommy!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw nang biglang may nahulog na umaapoy na gamit malapit sa kinaroroonan ko.

"Ah!" Sigaw ko.

'Saka ay sinubukan kong makaligtas mula doon. Bigla naman akong napatigil nang maalala ko ang kapatid ko.

"Shone, Shone!" Sigaw ko. Patuloy ko lang siyang tinatawag. Nasaan na ba siya? Ang kapatid ko.

"Nasaan ka?" Sigaw ko habang nakatakip ang bibig ko. Puno na ng usok at apoy ang paligid.

*Cough-cough*

Huh? May narinig akong umuubo. Agad naman akong lumapit dun. Hindi ko kasi makita kung sino dahil mausok.

"Sho~" Hindi ko naituloy ang sasahihin ko dahil~

"Krissy." Mahina kong anas ng makilala kung sino 'yon.

May bigla naman akong namataang lalake na nasa kotse.

"Teka!" Sigaw ko saka ay hinabol 'yon kaso hindi ko naabutan. Naupo nalang ako at napaiyak.

"Ano ba'ng nangyayari dito?" Muni ko nang bigla kong nakita ang sapatos. Teka? Sapatos 'to ni Shone. Agad ko namang ibinaling ang paningin sa kotseng kaaalis lang na natatanaw ko pa.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon