Shadow Of Tears:[Part 49]

381 154 12
                                    

Chapter 49

Shone Davinson's POV

Kasalukuyan akong nakatago sa likod ng cherry tree. Nasa labas ako ng mansion nila Shenny. Tama, kagagaling ko lang sa loob ng kwarto ni Shenny. Isinauli ko ang regalo niya sakin. Bakit? Dahil alam kong hindi ako nararapat na tumanggap ng kung ano mang utang na loob mula sa 'nino man. Lalo na't kay Shenny.

Dahil isa akong masamang tao.

Flashback.

Napakalamig ng gabi ngayon  dahil umuulan. Naglalakad na ako palayo sa dalawang mga babae na inabutan ko ng payong dahil nakakaawa silang tingnan nang bigla akong harangan ng mga gangsters. Lagi nila akong hinihingan ng pera at binubugbog 'pag 'di ako nakabigay.

Tumanggi akong bigyan sila ng pera kaya pinagtulungan nila ako sa pagbugbog.

Pilit akong lumaban pero 'di ko sila kaya. Nagulat naman ako nang may biglang tumulong sakin. Napatutok naman ako sakanya. Siya 'yong babaeng binigyan ko ng payong. Namangha ako sa pinakita niya. Ang galing niya.

Natalo niya agad silang lahat.

"Wow!" Tanging reaksiyon ko nang mapatumba na niya lahat.

Lumapit naman siya sakin. Napakafierce ng mukha niya. In-interview niya naman ako. Marami siyang taong sakin. Hanggang sa natigilan ako sa tanong niya.

"Papayag ka bang sumama sa amin?" Bigla niyang tanong.

"H-huh?"

"'Wag kang mag-alala. Madali lang ang magiging kapalit. Alam mo namang walang libre ngayon 'diba?" Sabi niya.

"Ah, ano po?"

"Hm, magiging kapatid kita. Saka, lagi kang mananatili sa tabi ko. Lagi mo akong papanigan." Mapangamba niyang sabi sakin.

Napapansin ko ngang namumuo ang mga luha mula sa mga mata niya.

End of Flashback.

Matapos nun, naging bahagi na ako ng pamilya nila. Nanirahan ako kasama sila. Nagpakasaya ako. Itinuring nila akong totoong pamilya. Kahit na, pamalit lamang ako sa nawawalang kapatid nila.

At ngayon, gaya nga ng pangako ko kay Ate Kendice, kailangan kong pumanig sakanya. Kailangan kong maging kakampi niya, kahit na ano man ang mangyari. Kahit na, ang kapalit nito ay ang pagkawala ng mga totoo kong kaibigan at si Shenny, na naging bahagi ng kasiyahan ko.

Kailangan ko silang bitawan, gaya ng sinabi ni Krissy. 'Yon na lamang paraan, kailangan naming tanggapin ang katotohanan. Na hindi kami kakampi at sadyang magkalaban.

Bigla kong nakita si Shenny na tumatakbo at kalalabas lang niya sa mansion nila.

Napansin kong pagala-gala ang tingin niya. Teka, hinahanap niya ba ako? Napayuko naman ako.

Hindi Shone, bakit ka naman niya hahanapin? Tsh.

Napangiti naman ako ng mapakla. There's no way that Shenny will fall for a guy like me.


~❤~

Kendice Davinson's POV

Maaga akong nagising dahil sa isang panaginip na laging pumupukaw sakin mula sa pagkakatulog.

Agad naman akong napalabas sa kwarto. Patungo sana akong kusina nang bigla kong narinig ang boses ni Krissy sa loob ng kwarto ni Shone.

Kaya'y napatigil ako. Saka ay, inilapit ang tenga ko sa pinto ng kwarto ni Shone.


"Oo, naaalala ko ang araw na 'yon. Iyon ang pinkauna nating pasyal. Doon sa Disney Land. Tanda ko pa kung gaano ka katakot sumakay sa Roller Coaster." Boses 'yon ni Krissy.

"Tsh. Lumabas ka na nga Krissy. Tinutupak ka na naman. Pumasok ka lang para pag-usapan ang mga nakaraan?" Boses ni Shone.

"Alam mo, kahit na sa sandaling 'yon, naisip kong masaya kapag buo ang pamilya. Lalo na't tanging kasiyahan at kapayapaan lamang ang iniisip ng bawat isa." Muling sabi ni Krissy.

"Minsan nais kong tumakas sa pagkatao ko, pero hindi pwede. Dahil 'yon ang katotohanan." Dagdag niya.

"Krissy." Alalang sambit ni Shone.

"Halika nga dito Shone, kahit na mas matanda ka pa sakin feeling ko ako ang Ate eh. So, in ka na?"

"Mahal ko kasi kayong dalawa kaya, oo." Sagot ni Shone. Teka, ano bang ibig nilang sabihin?

"Tatapusin natin ang lahat. Tutuparin natin ang mga pangako natin kay Ate Kendice. At lahat ng mga naranasan natin kasama ang mga Top Students, isang panaginip lang. Papatunayan nating, hindi lahat ng pangako ay napapako. Kahit gano paman 'to kasakit." Masaganang sabi ni Krissy.

Hindi ko alam pero, bigla akong nakaramdam ng saya. Ngunit, feeling ko namumuo ang mga luha sa'king mga mata. Tears of joy ba 'to? Hindi ko na talaga mapigilan kaya agad kong binuksan ang pinto at pumasok.

Nagulat naman silang dalawa.


"A-ate." Takang sambit ni Krissy. Agad naman akong napalapit sa kanilang dalawa. Saka ay, agad na niyakap.

"Salamat. Salamat!" Naiiya kong usal. "Alam kong mahirap." Dagdag ko.

"After all, pamilya parin ang mas mahalaga." Anas ni Krissy.



Alam kong mahirap ang pinagdaanan niyong dalawa, gaya na lamang ng pinagdaanan ko. Ipinagmamalaki kong pinaninindigan niyo ang mga pangako niyo. Patawarin niyo 'ko, hindi ko kayang manahimik ng ganito. Gusto kong maghigante. Kasama kayo.




To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon