Shadow Of Tears:[Chapter 8]

849 293 31
                                    

Chapter 8
   Krissy Davinson's POV


Tahimik lang akong nakaupo sa study area. Well, wala pa namang klase. Mamaya pa naman.

Habang nagsusulat ako, may biglang umupo sa kabilang upuan. Kaya naman napatingin ako dun, pero hindi ako nagpahalata. 'Yon bang, mata lang ang ginamit?

Tsh. Ang lalakeng walang kwenta lang pala. Tama! Si Tyson nga. At nakashades siya. Aish. Hindi ko naman siya pinansin. Sino nga ba naman siya para kausapin diba? Hindi ko naman siya close.

"Ahemmm," Tyson.

"......." ako.

Hindi ko pinansin si Tyson. Ano namang meron sakanya ngayon? Nagpapapansin ba siya?

"Ahemmm!" At mas malakas pa. Pero nagpatuloy parin ako sa pagsusulat.

At bigla niya namang inalog yung mesa ng malakas.

"Ano ba?" Irita kong sabi.

"*Cough~cough*, Ayaw mo kasing tumingin." Binigyan ko lang naman siya ng cold look.

"Bakit ba ang sungit mo sakin?" Tanong niya.


" ..... "

"Sabihin mo, pogi ba ako habang suot ang shades na 'to? O, sa tingin ko, nasobrahan na ata ang pagkagwapo ko?" Pagmamalaki niya.

"Tsh. Sa judgement ko, hindi ka nakakalahati sa paningin ko. Walang angle ang gwapo." Puna ko saka ay inayos ang salamin ko at nagsulat.

"Aba! Ang haba ng sinabi mo ah? Haha! Mukhang nasasanay ka nang makipag-usap sakin ah?" Masaya niyang sabi sabay alog sa mesa kaya naman hindi ako nakakapagsulat ng maayos.

Nakakainis!


"Cool namang tingnan ang lalakeng nakashades ah? Tama?" Muli niyang sabi.



Nakakairita na siya ah. He is talking nonsense! What's with him ba? Mukhang naging palakaibigan na ang lalakeng to ah?

Bigla naman akong naging seryoso at tinitigan siya.

"Mas cool pa ang lalakeng nerd kaysa  sa hambog na gaya mo Mr." Seryoso kong sabi saka ay inayos na ang gamit ko.


"Ano?! Nerd?" Inis niyang sigaw sakin habang paalis na ako dun.


"Nerd daw?" Rinig kong anas niya.


Ang aga-aga, nang-iisturbo na ang walang kwentang lalakeng 'yon.




               Krissy Davinson's POV



Nasa Gym kami ngayon. Nagpapractice lang naman. Sa susunod na araw na kasi ang Royal Game. Kakatapos lang naming mag rehearse sa sari-sarili naming Event.


Umupo na muna kaming dalawa ni Shone. "Tubig." May nag-abot sakin ng isang mineral water.

Napatingin naman ako sa taong 'yon. Siya 'yong lalakeng laging may headphone sa leeg niya. (A/n: Kenny)


"Ako si Kenny incase you didn't know. Pinabibigay 'to sayo ni Tyson." Sabi niya sabay turo gamit ang lips niya sa kung saan si Tyson.

Sinundan ko rin naman yun ng tingin saka ay nakita ko si Tyson na nakatingin sakin. Tsh. Bigla naman siyang ngumiti sakin at kinindatan ako.

Aisssh.

Bigla namang pinahawak sakin ni Kenny sakin ang mineral at umalis. Napatingin nalang ako sa mineral water na nasa kamay ko.




Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon