Shadow Of Tears: [Part 40]

495 234 21
                                    

Chapter 40

Shenny Go's POV

Napakaganda sana ng umaga ko ngayon, kaso nga lang, bumungad agad sakin ang balitang nakakainis kung pakinggan.

As expected, what happened last night is already all over the news. Magkaiba-iba nga ang headline nila eh.

'Ronnie Go, a deciever?'

'Ronnie Go's eligitimate daughter is Kacey Lee?'

'Ronnie Go, 'di na dapat pagkatiwalaan.'

Blah~blah~blah, wala kaming pakialam sa mga balitang 'yan. Bahala sila.

Pero aaminin ko, apektado parin ako. Hindi pa kasi namin alam kung ano ang story behind this issue. Hindi pa namin alam kung ano ang totoo.

Tinanong ko si mommy kagabi, pero sabi niya 'You don't need to know. Let the adults handle it.'

That's what she told me. Ibig bang sabihin nun, masyado pa akong bata? Sa edad kong 'to? Hays.

"Shenny, let's go." Tawag ni kuya sakin.

"Coming."

Agad na kaming nagtungo ni kuya sa school. And guess what? Lahat sila ang sama ng tingin samin. Seriously? May nagawa ba kaming mali? Ah, dahil ba sa issue? Hindi naman namin kasalanan 'yon eh. Wala kaming alam.

Hinayaan na lamang namin ang mga estudyanteng 'yon. Bahala silang magsawa sa kakatitig saming maladiyos at maladiyosang kagandaha't kagwapuhan. *Evil~Laugh*

~❤~

Krissy Davinson's POV

Maaga akong nakarating sa school ngayon. Gusto ko kasing malanghap ang napakapreskong hangin sa madaling araw.

Ako ang unang dumating sa room, at later on ay nagsidatingan narin ang iba. Nakakairita nga sila eh.

Kaliwa't kanan ko, walang ibang bukambibig kundi 'yong nangyari kagabi. Isinuot ko na lamang ang earphone ko saka ay nag-aktong nakikinig ng musika.

'Ang sama pala ni Mr. Go.'

'Kawawa naman sila shenny ano? Niloko sila ng daddy nila.'

'Anong kawawa? Dapat nga lang eh. Sana nga may mas matindi pang mangyari na masama sa pamilya nila.'

'Shut it girl. Hindi na sila prinsesa at prinsipe sa paningin ng iba ngayon.'

Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad naman samin ang mukha ng mga Go.

Nanahimik naman ang lahat ng ilang segundo saka ay muli ring nagbulong-bulungan. Umupo lamang si Tyson sa upuan niya samantalang si Shenny, nakatayo parin sa harap ng table niya saka ay napayuko.

"Kuya, I'm not feeling well. Doon na muna ako sa Royal Room, magpapahinga." Excuse ni Shenny saka ay agad na umalis matapos tumango si Tyson.

Maya-maya nama'y dumating na ang teacher namin at nagsimula na nga ang lecture.

Hindi ko alam pero, napapatingin ako kay Tyson. Napakatamlay niyang tingnan. Mukhang wala siyang gana.

Lumipas naman ang ilang oras ay natapos rin ang lecture. Break time na.

Nagtaka naman ako nang agad na nagsilabasan ang mga estudyante sa room na 'to at kaming dalawa nalang ni Ty ang nandirito sa loob.

Nandun naman ang lahat sa labas habang pinapanood si Tyson na nagliligpit ng mga gamit niya.

Nagligpit narin ako ng mga gamit ko. Malapit lang rin naman ang table ni Tyson. Nasa second coloumn kami pero nasa 5th row ako at nasa 4th row siya.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad ko ng isinuot ang backpack ko. Nalagpasan ko na nga si Tyson eh. Ang tagal niyang matapos magligpit. Pati pagligpit lang ng mga gamit niya eh. Tsh, talo pa ang babae sa kahinhin.

I was two steps away from him nang mamataan ko ang lalakeng may dalang cake na patungo sa pinto ng classroom namin. Napansin ko namang nagtawanan na sa excitement ang lahat ng mga tao sa labas. Umakto naman ang lalakeng 'yon na parang ihahagis ang cake.

What the hell?

Agad naman akong napalingon kay Tyson na busyng-busy sa kakaayos ng mga gamit niya saka ay nagtransform ako into flash (Joke). Agad akong napahakbang ng mabilis patungo sa kinaroroonan ni Tyson.

At ako ang natamaan sa cake na inihagis ng lalakeng 'yon.

"Krissy?" Taka at alalang tanong ni Tyson samantalang nakayuko lamang ako.

"Kuya Ty!"

Shenny Go's POV

Buong araw akong nagkulong sa loob ng Royal Room. Akala ko nga makakapagpahinga ako ng maayos eh, kaso biglang dumating sila Ryan, Top, at Kenny. Nag-half day lamang daw sila kasi nakakapagod. Isasama nga daw sana nila si kuya pero ayaw daw.

Pero totoo, gaya-gaya lang sila sakin eh.

Nagtatawanan naman sila sa mga jokes nilang napakawaley. Tsh. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo.

Babalik na ako sa room. Uwian na ngayon eh. Nagtungo naman ako sa classroom namin. Naabutan ko namang nandito sa labas ang lahat ng mga students. Nagtatawanan naman ang ibang students, at ang iba naman ay parang kinakabahan.

Ano bang meron?

Nakipagsiksikan naman ako sa mga taong nandun hanggang sa maabot ko na ang harap ng pinto.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang maabutan ko si kuya at ang isang babaeng nakatalikod at nakayuko na may bakas ng cake sa likuran nito. Agad ko namang nakilala ang babeng 'yon. Si Krissy pala.

"Kuya Ty!" Sigaw ko na may nanginginig na boses sa sobrang galit na nararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kuya Ty!" Sigaw ko na may nanginginig na boses sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Krissy." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Si Shone 'yon. Pero binalewala ko 'yon. At agad na humakbang papasok sa classroom nang, biglang sumabit sa mga paa ko ang isang taling nakaharang sa may pinto at, bigla nalang may humila sakin mula sa likuran.

Parang nagslow-motion nung moment na hinila ako ng taong ito.

Bigla ko namang nakita ang kung anong likido na bumagsak mula sa ibabaw ng pinto.

Dahan-dahan naman akong kumalas sa pagkakayakap sakin ng lalakeng 'to.

Saka ay tiningnan siya sa mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Saka ay tiningnan siya sa mga mata. Muntikan na pala akong mabasa ng pintura na 'yon. Muntikan na pala akong mabiktima sa mga patibong nila.

"Okay ka lang?" Alala niyang tanong.

Tumango naman ako.

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon