Shadow Of Tears: [Part 32]

476 254 131
                                    

Chapter 32

Tyson Go's POV

"You'll guide me right?" Tanong sa'kin ni Shenny nang makalabas na kami sa office ni mommy.

"Nope. I'll walk." Sagot ko with matching smile.

"Pero kuya? Alam mo namang---"

"Shenny I should go. Byeee!" Paalam ko sakanya saka ay agad nang tumakbo palayo.

Habang tumatakbo, napatingin ako sa relo ko. 5:30 Pm na, sigurado akong palabas na siya ng school ngayon. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Krissy Davinson's POV

Matapos ang last period sa hapon, agad na akong nagligpit ng gamit. Matapos ay naglakad na ako palabas ng school.

Tahimik lamang akong naglalakad nang bigla kong nadaanan ang Cheery Tree na 'yon.

Wala ng cherry blossom.

Napayuko naman ako. Sa 'di malamang dahilan, biglang pumasok sa isipan ko ang pangalang Tyson.

"Aisssh." Anas ko sabay iling. Forget it. Forget it.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Baka ano pang pumasok sa isipan ko. -.-

Tahimik lamang ang paligid habang ako'y naglalakad subalit, pakiramdam ko'y may nakasunod sa'kin. Lumingon naman ako sa likuran ko saka ay sinuri ang paligid.

"Tsk." Anas ko nang wala akong nakita.

Kaya ayon, nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Ganun parin eh, alam kong may nakasunod talaga sa'kin. For the second time, lumingon ako sa likuran. At ganun parin, wala akong nakita. Kaya naman ay humarap ako uli sa direksiyon ko. Parang, may nahagilap akong sapatos na lumampas mula sa isang poste. Kaya napatingin ako ulit dun.

Bigla namang dumungaw ang mukha niya upang sumilip subalit nagtago naman siya agad.

Nakita na kita. *Scoff*
Bulong ko sa isipan.

Parang baliw lang. Hindi ko alam pero, napangiti ako bigla. Nakilala ko kasi 'yong mukha niya.

 Nakilala ko kasi 'yong mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Eto oh. Reaksiyon ni Krissy nang makilala niya kung sino.)

Agad ko namang binawi 'yong ngiti sa mga labi ko at humarap sa dinadaanan ko. Napailing naman ako at napahawak ng mahigpit sa strap ng bag ko.

Ano bang nangyayari sa'kin? Ays. Agad na akong tumakbo. Mabilis na mabilis atsaka ay nagtago sa isang pader. Kasi naman, tumakbo din 'yong stalker na 'yon eh. Sinundan ako. Naks naman.

"Aissh. Asan na ba 'yon?" Rinig kong boses. Kaya napasilip ako.

Akala mo masusundan mo 'ko.

Agad naman akong tumalikod at naglakad nang may mga bruha akong nakasalubong.

"Aba, Krissy Davinson. Mukhang nag-iisa ka." Anas nong Kattie na 'yon. Nabasa ko kasi sa nametag niya.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon