Chapter 5.3

228 41 0
                                    

Royal School

(Kinabukasan)
Krissy Davinson's POV

Nasa girls restroom ako ngayon habang nakatingin lamang ako sa salamin.

Iniisip ko 'yong sinabi ni ate sakin kagabi.

*Sigh*


Agad ko namang isinuot ang backpack ko at umalis.

(Lingid sa kaalaman ni Krissy. Nakalimutan niya pala yung necklace niya)

•••

Nasa room na ako ngayon, kakatapos lang ng second class namin. Break time na kasi.

Nakita ko namang umalis si Shone.

"Saan ka?" Tanong ko sakanya.

"Sa locker ko," Sagot niya at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Napasandal naman ako sa upuan ko at napahawak sa kwintas ko, teka, 'yong necklace?

Bigla naman akong nag-alala. Kaya'y napaupo ng matuwid.


Nagulat nalang ako ng may biglang kwintas ang lumitaw sa harapan ko.

Kwintas ko?

Aabutin ko sana 'yon ng biglang binawi ang kwintas na 'yon.

Mas lalo pa akong nainis. Si Tyson Go.

"Bakit na sayo 'yan?" Tanong ko.

"Finally, kinausap mo na ako." Sabi niya na parang relieved na relieved.



Tyson Go's POV

"Shh, quiet." Sita ko sa kanilang tatlo.

Ang iingay kasi. Nasa labas kami ng girls restroom ngayon.

Hinihintay kasi namin si Shenny.

Well, bigla kasing nagtext si Shenny na nasa girls restroom daw si Krissy, kaya naman pumunta kami dito

"Hindi ba tayo papasok?" Tanong ni Top

"Baliw, eh CR to ng babae. Hala sige, Pumasok ka!" Loko talaga 'tong si Ryan.

"Ay ganun, mainit ang ulo ni Lolo?" Biro naman ni Top sakanya.

"Si Shenny na ang bahala. I know she can do something" I said confidently.

Bigla Namang bumukas ang pinto kaya agad kaming nagtago sa likod ng pintuan. Nakita naman namin si Krissy na kalalabas lang.

Sumunod naman si Shenny kaya lumapit kami kaagad.

"Oh anong nangyari?"

"Wala naman," Sagot ni Shenny.

"Ano? Pambihira ka Shenny, hindi mo ba siya kinausap?" Inis na sabi ni Top.

"Yes, but I have this." Anas niya saka ipinakita samin ang old necklace?

"She own this. Alam kong importante 'to sakanya." Sabi ni Shenny.

"Oh? Edi may magagamit na tayo." Sabi ni Kenny.





Krissy Davinson's POV

"Bakit na saiyo 'yan?" Tanong ko ulit sakanya.

"Bakit nga ba nasakin to?" Sabi niya.


Inabot ko na naman ang kwintas ko kaso inilayo niya sakin 'yon.


"Ibabalik ko 'to kapag pumayag ka na sumali sa grupo namin." Kondisyon niya.

Tiningnan ko lang naman siya ng masama.

Bigla naman akong sumeryoso.

"Akin na." Seryoso kong sabi.

"Pumayag ka muna." Sabi niya.

Inilatag ko naman ang kamay ko as a sign of 'give it to me', kaso hindi niya parin inilagay.

"Pumayag ka muna sabi," Pilit niya.

Akmang hahablutin ko na sa ang kwintas ko nang bigla niya akong hinila palapit sakanya.

Nabigla naman ako sa ginawa niya. Ang lapit ng mukha niya.

"Kung pumayag ka, hindi na kita guguluhin." Anas niya saka ay ngumiti.

Talaga ha?

I'm sorry ate, mukhang makakatikim talaga sakin ang TYSON GO na 'to.

Agad ko namang iwinakli ang kamay niya saka ay umikot ako papunta sa likuran niya habang hawak ko ang kaliwa niyang kamay.

"Aray!" Sigaw niya sa sakit.

Kasi naman, isang hard push nalang sigurado akong mababali na talaga ang kamay niya.

"JESUS, let go of my hand." Sigaw niya.

Pero, diniinan ko pa ng kaunti ang paghawak sa kamay niya.

"Damn it, aray!" Sigaw niya na naman.

Hindi niya parin kasi binibitawan ang kwintas ko eh.

'Pag 'di niya binitawan at napikon na ako, pasensiya nalang.

"Akin na," Umiling naman siya.

Aba, matigas siya ah.

Ididiin ko pa sana ang pagkahawak sa kamay niya ng may biglang kumuha sa kwintas na 'yon.

Nakita ko naman si Shone.

Kaya agad kong binitawan ang lalakeng 'yon. Ang lalakeng nakakainis.

Ibinigay naman sakin 'yon ni Shone.

Napatingin naman ako kay Tyson ng masama. Saka ay inayos ko ang uniform ko.

"Tara!" Yaya ko kay Shone.

Sumunod naman si Shone sakin.



To be continued..

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon