Shadow Of Tears:[Part 56]

646 158 84
                                    

Chapter 56
Last Chapter

Kacey Lee's POV

"Salamat po." Anas ko nang iniabot na ng tindera 'yong cake na in-order ko. Agad ko namang sinilip ang laman nun.

'Happy Birthday Sean'

'Yon ang nakasulat. Tama, ngayon kasi ang kaarawan ni Sean. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakagising. Ang saklap 'diba? Tatlong taon na. Tatlong taon narin simula ng mawala si Stacey.

Aish, 'wag mo ng banggitin Kacey. Iiyak ka na naman eh. Nagmadali naman akong bumalik sa hospital.

Kakapasok ko lang sa kwarto ni Sean. Nakatingin lamang ako sa cake habang nakangiti. Kahit na wala siyang malay, sini-celebrate ko parin ang birthday niya.

Malapit na ako sa higaan ni Sean nang nabigla ako sa nakita ko na ikinadahilan ng pagkahulog ng cake na hawak ko.

Teka, totoo ba 'to? Isang lalake ang nakatayo at nakaharap sa bintana habang nakapamulsa ito.

Dahan-dahan naman siyang lumingon sakin na mas lalo ko pang ikinagulat.

Dahan-dahan naman akong lumapit sakanya. "S-Sean?" 'Di makapaniwala kong sabi. Ngumiti naman siya sakin na ikinadahilan ng pagtulo nitong mga luha ko.

"Sean!" Masaya kong sigaw sabay yakap sakanya. Narinig ko namang tumawa siya. Saka ay, niyakap rin ako.

"Sean, sean!" Masaya kong sigaw. Gising na siya, mabuti na ang kalagayan niya

~❤~


Tyson Go/Shone Davinson's POV

Nandito na ako sa labas ng Royal School. Na-miss ko rin ang school na 'to. Dito ko nakilala ng mas maigi si Krissy. Ang daming nangyari noon. Napangiti naman ako. Agad na akong pumasok sa building. Nasa hallway na ako ngayon.

Wala na atang klase ngayon, marami na kasi ang nagsisilabasang mga estudyante. Uwian na ata. Magfo-four na kasi.

Nagmasid-masid lamang ako sa paligid nang biglang may natumbang isang maliit bata sa harap ko. Saka ay umiyak.

"Waaaaaaaaah, huhuhu!" Iyak ng iyak 'yong bata. Napakacute niyang umiyak eh.

Agad ko naman siyang tinulungang makatayo 'saka ay kinarga siya.

"Shhhh, wala namang nakakita eh." Sabi ko sa bata. Ang cute niya, mukhang one year old pa ata 'to.

"Waaaaaah, huhuhu!" Napapatingin na nga sakin ang mga estudyante dito eh. Siyempre, ang ilan sa kanila ay 'di ako kilala.

"Ssh, tahan na."

"Baby Eury!" May biglang sumigaw at napalingon naman ang batang 'yon. Pati narin ako. At nagulat ako sa nakita ko.

"R-Ryan?" Gulat kong tanong. "Ty!" Masaya niya ring bungad sakin. Sumunod naman sakanya si Euny. Saka ay lumapit sakin at kinuha 'yong bata.

"Ikaw talaga Eury, ang kulit mo." Anas ni Euny sabay ayos nung buhok ng batang babae.

"Teka, 'wag mong sabihing~" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil pinutol na ni Ryan 'yon.

"Oo Ty, ano kamukha ko ba?" Omo, anak nga nilang dalawa.

"Ipapa-enroll na namin siya sa Kinder kaso natatakot siya eh kaya tumakbo." Natatawang sabi ni Euny. Nakaka-amaze naman. Wow, parang kailan lang.

"Nasan 'yong iba?" Tanong ko.
"Busy na lahat Ty. May sari-sarili ng buhay." Kung sabagay.

"O siya, mauna na kami." Paalam ni Ryan sakin kaya tumango ako.

Napailing naman ako. Grabi ka Ryan, may chikiting ka na pala. Ang saya pakinggan.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Marami akong binisitang lugar dito. 'Yong Classroom, Office, Royal Room at marami pa. Ang daming mga ala-alang naiwan dito.

Bigla ko namang naisip si Krissy. Nasaan na kaya siya? Hay, ang sama niya talaga.

Agad naman akong nagtungo sa isang lugar kung saan una kong nakuha ang loob ni Krissy. Sa lugar kung nasaan ang puno ng Cherry.

Nang makarating ako dun, agad na bumungad sakin ang mga kulay rosas na bulaklak nito. Naaalala ko ang araw na 'yon.

Napayuko naman ako. Ang hirap mong kalimutan.

Nabigla naman ako nang may namataan akong mga paa sa harap ko. Nakayuko kasi ako ngayon. Bigla naman akong kinabahan. Ba't ang bilis ng tibok nitong puso ko?

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko hanggang sa, makita ang mukha ng taong 'to.

Bigla namang namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Para akong lumulutang sa saya.

"K-Krissy." Mahina kong anas nang makilala ko siya. Nakita ko namang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Napayakap ako sakanya dahil sa sobrang saya. At biglang bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko nang niyakap niya rin ako.

"Saan ka ba nanggaling ha? Na-miss kita." Usal ko habang hinihigpitan pa ang pagyakap sakanya.

"Nandito na ako." Anas niya na mas ikinasaya ko pa.

"Mommy!" Huh? Napakalas ako bigla nang may isang batang babae na tumawag kay Krissy. Teka, mommy?

Napatingin naman ako kay Krissy na may pagtataka. May anak na siya?

"Don't worry kuya Ty, hindi siya anak ni Ate Krissy. Anak 'yan ni Mommy." Masiglang anas ni Shenny na kararating lang. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko may pamilya na si Krissy eh.

Nakita ko naman ang iba pang mga Top Students. Si Top, ayon may kasama ng babae. Fiancee niya daw. Si Kenny? Ayon, kasama si Ate Kendice. Hindi pa sila ah? Nanliligaw palang si Kenny diyan. Si Ryan naman, ayon kasama si Euny habang karga ang anak nila. Si Shone? Ayon, nakaakbay kay Shenny. At ang huli, si Sean, nakahawak kamay sila ni Kacey. Bigla naman akong napangiti sa mga nakita ko.

"Aba! Mukhang successful tayong lahat ah?" Biglang bungad ni Sean nang makalapit na sila.

Nagtawanan naman kaming lahat. Pati narin 'yong batang tumawag ng mommy kay Krissy. Ibig sabihin, tatlo na pala silang magkakapatid nila Shenny at Krissy? Wow, puro babae.

Bigla naman akong napaakbay kay Krissy. "Oh ano na, tara't magsaya tayo para sa muling pagkikita nating lahat?" Masaya kong usal. Nagtawanan naman silang lahat at pumayag.

Nagtungo na kami sa lugar kung saan kami laging pumupunta. Bakas sa mga mukha namin ang saya.

Ang sarap isipin na sa lahat ng mga problema at pinagdaanang walang kasingsaklap ng bawat isa, ay nagawa naming umahon mula sa pagkakalunod dun. Promises are meant to be broken, para sa mga taong walang paninindigan lamang 'yon. Tandaan niyong kapag nangako ka, binibigyan mo ng obligasyon ang sarili mo. At kapag binigo mo ang pangakong 'yon, reaponsibilidad mong harapin ang kapalit at consequences ng pagiging duwag at pagiging walang kwenta mong tao. Hindi lahat ng tao ay kayang magsakripisyo, gaya ni Krissy, hindi niya kayang isakripisyo ang lahat dahil lang sa 'di niya kaya dahil alam niyang nangako siya. She's a girl with words at paminsan-minsan lang ang mga taong gaya niya. Kaya masaya ako na sa huling banda, naangkin ko ang babaeng pinapangarap ko.

The End

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon