Shadow Of Tears:[Part 52]

386 150 12
                                    

Chapter 52

Tyson Go's POV

"Daddy, Daddy!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Shenny nang dadalhin na si Daddy sa operating room.

"Daddy." Mahina kong anas nang isinara na nila ang pinto nitong operating room.

Agad naman akong napahawak sa forehead ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Bigla naman akong napatingin sa mga kamay ko.

Nanginginig pa ang mga ito. Krissy, nasaan ka?

Biglang nawala si Krissy nang dumating ang mga pulis. Nagtungo kasi ako sa ambulance upang tumulong sa pagkuha ng emergency folding bed. Gusto kong matulungan agad si Krissy. Ngunit pagbalik ko, wala na siya. Usok na lamang ang natira sa kinaroroonan niya.

Hindi parin ako makapaniwalang nagawa ko 'yon. Bigla naman akong napasuntok sa pader.

Nakapa-gago mo Tyson. Napakatanga mo! Bakit mo ba nagawa 'yon?

Agad naman akong napasandal sa pader at nakita ko si Shenny na nakaupo at umiiyak.

Ngunit naagaw ang tingin ko nang makitang naglalakad si Mommy palayo kasama ang secretary ni Daddy.

Napa-isip naman ako, saan ba sila pupunta?

~❤~

Kendice Davinson's POV

Minadali kong dalhin si Krissy dito sa laboratory ng bahay. Tinulungan naman ako ni Shone. Agad ko siyang pinahiga sa kama saka ay agad akong nagsuot ng puting mask at gloves. Pati narin si Shone. Tinali ko narin ang buhok ko. Kinuha na agad ang mga gagamitin ko. May tatlong tama si Krissy.

Isa-isa kong tinanggal ang mga balang nakabaon sa likod ni Krissy.

Agad ko na siyang ginamot. May background ako sa mga ganitong emergency. Isa 'to sa natutunan ko noong nasa States ako.

Minadali ko naman ang pagproseso ng blood-transfer dahil masyadong marami na ang nasayang na dugo ni Krissy.

Tama, ako ang kumuha kay Krissy. 'Di siya pwedeng makita ng mga pulis. 'Di ko hahayaan 'yon.

Matapos ang ilang minuto, agad ko ng nilagyan ng bandage ang likod niya. At viola, natapos rin.

Napabuntong hininga naman si Shone.

"Muntikan na." Usal niya. Kaya ay tinapik ko ang balikat niya. Masyado siyang nag-alala kay Krissy.

~❤~

Kinabukasan
(Davinson's House)

Krissy Davinson's POV

"Ah," Mahina kong ungol nang makaramdam ako ng sakit. Babangon sana ako nang, kumirot 'tong likod ko.

Dahan-dahan naman akong bumangon habang nakahawak sa balikat ko. Saka ay sinuri ang paligid. Nandito ako sa kwarto ko. Napayuko naman ako. Akala ko nasa bahay na naman ako ng mga Go.

Bigla naman akong napangiti nang mahawakan ang bandage sa likuran ko. Ginamot ako ni Ate Kendice. Siya ata ang nag-alaga sakin kahapon.

Agad naman akong tumayo saka ay lumabas sa kwarto. Pupuntahan ko si Ate ngayon.

Aktong bubuksan ko na ang kwarto ni Ate Kendice nang bigla kong narinig na may nag-uusap. Kaya't napabitaw ako sa door knob saka inilapit ang tenga ko.



Third Person's POV

"Sabihin mo lahat ng narinig mo." Ma-awtoridad na sabi ni Kendice sa right hand niya.

Tumango naman 'yon saka ay ibinahagi ang narinig sa pag-uusap ni Mrs. Kim Go at nung secretary ni Ronnie Go.

Flashback.

"Kasalanan 'to ni Reena, kasalanan niya kung bakit nangyayari samin 'to." Mrs. Go.

"Ano bang inutos niya sayo ha? Alam kong anak niya si Tyson kay Ronnie, pero bakit niyo pa kinuha ang bata kung pinaampon na siya sa ibang pamilya, ha?" Galit na sigaw ni Mrs. Go.

Agad namang ikwenento ng secretary ang lahat. Ang tungkol sa pakiusap ni Reena na iligtas ang anak nila dahil nalaman na ni Rico Lee kung nasaan ang anak nito. Dahil sa hindi kilala ni Ronnie kung sino ang bata, sinabi ni Reena na ang batang 'yon ay nakasuot ng kwintas na binigay ni Ronnie sakanya. Ibinahagi niya rin na ang nakita niyang mga tauhan sa gabing 'yon na pumatay sa pamilya nila ay ang mga tauhan ni Rico Lee.

At ngayon, 'di nila inaasahang mabubuhay ang dalawa pang anak ng mga Davinson. At mas lalong nakakagulat ang paghihiganti nila kay Ronnie Go, 'pagkat 'di nila alam ang totoong nangyari.

End of flashback

"Batang may kwintas? Akala nila si Tyson ang batang 'yon?" Biglang anas ni Kendice na may halong pagtataka at napatawa. Tila may alam ito.

Bigla namang nanghina si Krissy sa narinig nito. Napaatras siya habang nakayuko at 'di alam kung ano ang magiging reaksiyon sa narinig.

"Anak ni Reena Li at Ronnie Go ang batang may suot na kwintas? Akin 'yong suot ni Kuya Shone eh, ibig bang sabihin?" Bulong ni Krissy sa sarili niya't bigla nalang siyang nanghina kaya bigla siyang napabagsak sa sahig habang itinutukod ang dalawang kamay nito.

"Ako dapat ang nasa lugar ni Ty ngayon. At teka, ibig sabihin, ampon lamang ako ng mga Davinson?"

"K-Krissy." Isang mahinang sambit ni Kendice nang makita niya kung sino ang taong pinanggalingan ng ingay na pagtumba.

Hindi naman inangat ni Krissy ang ulo nito. At patuloy parin sa pagkatulala.

"Krissy?" Biglang dumating si Shone saka ay agad na napalapit kay Krissy.

"Okay ka lang?" Tanong nito kay Krissy.

Pero nanatili paring tahimik si Krissy. Napatayo naman ng maayos si Kendice saka ay taas noong pinagmasdan si Krissy.

Alam kong mangyayari 'to. Alam ko ring ikagagalit mo ang nalaman mo. Tinangka mong patayin ang sarili mong ama, dahil 'yon ang gusto ko. Gusto kong, ikaw mismo ang maghigante sa ama mo Krissy. Nang maging doble ang sakit na mararamdaman ni Ronnie Go. 'Yon ang nasa isip ni Kendice sa ngayon.

"Kaya mo ba pinapo-protektahan si Tyson sakin? Dahil alam mong siya ang nawawala momg kapatid?" Biglang tanong ni Krissy sa Ate nito.

Ngunit tahimik lamang si Kendice.


"Kaya mo ba gustong ako mismo ang pumatay kay Ronnie Go dahil alam mong siya ang totoo kong ama?" Nanghihinang dagdag na tanong ni Krissy.

Napayuko naman si Kendice.

"Oo Krissy. Tama ka. Patawarin mo 'ko." Tanging usal nito saka ay agad na pumasok muli sa kwarto nito.

Bigla namang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Krissy.

"Ang sama ko. Ang sama-sama ko." Mas lalo pa ngang napaiyak si Krissy. Pilit naman siyang pinakakalma ni Shone.



To be continue..

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon