Shadow Of Tears:[Part 44]

422 166 28
                                    

Chapter 44

Krissy Davinson's POV

Malalim na ang gabi at tanging ang tunog ng pumapatak na ulan ang naririnig sa kapaligiran.

"Ah," Mahinang ungol ko nang magising ako.

Nagulat naman ako nang makita kong nakahiga na pala ako sa isang kamang napakalambot sa loob ng isang 'di pamilyar na kwarto.

"Nasaan ako?" Gulat at taka kong tanong sabay upo sa kama.

Napasuri naman ako sa buong paligid at bigla kong nakita ang litrato ng buong pamilya ng mga Go.

Nasa, bahay ako ng mga Go?

Agad naman akong napahawak sa parte ng bibig ko.

Nakatanggal na ang maskara ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko.

"Ibig bang sabihin, kilala na nila ako?" Alala kong sabi sabay tayo at agad na inabot ang jacket na suot ko kanina na nakasabit.

Nagmadali akong isuot 'yon saka ay lumabas mula sa kwartong 'yon. Tahimik naman ang buong paligid. Tanging ang tunog ng pumapatak na ulan ang maririnig.

Nagmadali akong bumaba. Susubukan kong umalis sa bahay na 'to nang 'di nila nalalaman.

Malapit na ako sa pinto nang, "Krissy, saan ka pupunta?" Isang boses ang pumigil sakin mula sa paglalakad.

Napayuko naman ako. Kilala ko ang boses na 'yan. Ayoko ng makita pa siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumabas sa bahay nila.

"Teka, Krissy umuulan!" Rinig kong sigaw niya.

"Krissy!" Sigaw niya na naman. Patuloy parin ako sa paglalakad habang nababasa ako ng ulan.

Hindi kita kayang harapin Tyson. Please, 'wag mo kong habulin.

Nagulat naman ako nang, may biglang humawak sa kanan kong kamay na ikinadahilan ng paghinto ko sa paglalakad.

"Saan ka ba pupunta ha? Please, 'wag mong pahirapan ang sarili mo. Magkakasakit ka. 'Di pa maayos ang sugat mo." Alala niyang sabi habang nakatalikod parin ako sakanya.

Aktong hihilain na niya ako nang hindi ako nagpadala sakanya. Saka ay, iwinakli ang kamay niya.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko sakanya. Pero hindi siya sumagot.

"Hindi ka ba nagagalit sakin ha, Tyson?!" Pasigaw kong sabi habang nakatalikod parin ako sakanya.

"Ano bang dapat kong katakutan sa 'yo Krissy? Bakit ko ba katatakutan ang babaeng lagi akong nililigtas?" Sagot niya.

Napaharap naman ako sakanya.

"Kilala mo ba kung sino ako? 'Di ako tulad ng inaakala mo Tyson."

"Wala akong pakialam, ang alam ko lang, ikaw ang Guardian Angel ko. Ikaw ang nagbabantay sa kaligtasan ko." Sabi niya. Sa boses niya, alam kong umiiyak siya. 'Di ko nga lang nakikita ang mga luha niya dahil umuulan.

"Tyson, hindi ako isang angel. Guardian mo ako, oo. Pero hindi ako anghel. Oo, obligasyon ko ang pangalagaan ka, pero noon 'yon. Hindi na ngayon." Matatag na sabi ko.

"Sinungaling."

"Hindi mo ba alam? Tinangka kong patayin ang Daddy mo." Dagdag ko at sinabi 'yon sa paraang malademonyong tono.

Please Tyson, be disappointed in me.

"Binalak mo pero hindi mo kayang gawin. Instead of killing him, you ended up saving him." Sabi niya sabay bigay ng isang ngiting 'di ko mapaliwanag.

"Krissy, 'di ko alam kung bakit nais mong ipahamak si Daddy at  alam kong may dahilan ka. Pero,"

"It's none of your business Tyson.  Kalaban kita, kalaban ko rin ang buong pamilya mo. That's what matters now. Gustuhin ko man o hindi, kailangan kong tapusin 'to. Nangako akong ipaghihigaganti ko ang pamilya ko."

Yumuko naman ako saka ay ibinaling muli ang tingin sakanya.

"Tyson, ang anghel na kinikilala mo, ay isang demonyong nagpapanggap lamang sa likod ng maskara nito. Sa pagkakataong ito, hinayaan kong mabuhay pa ang Daddy mo dahil sa gusto ko. Pero, ngayon lamang 'to. Sa susunod, maaaring tutuluyan ko na ang matandang 'yon."

"Krissy," (Play the music po para mas feel)

"Hindi mo na ako mapipigilan Tyson, kinain na ng galit ang buong puso ko." Anas ko saka ay dahan-dahang tumalikod mula sakanya.

"Kalimutan mo na ako. Magpanggap kang hindi mo 'ko kilala. 'Yan ang mas nakabubuti sa 'yo Tyson." Malungkot kong sabi. Sa pagkasabi ko sa mga salitang 'yon, bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. Ang sikip ng puso ko.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. May nararamdaman akong kakaiba. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni ate. Ito na ba 'yon? Ito ba 'yong pag-ibig na ipinagbabawal niya?


Ganito ba talaga ang pag-ibig? Masakit at mabigat sa dibdib?



Bigla naman akong nakaramdam ng mainit na likidong nanggagaling sa mga mata ko. Nasasaktan ako, bakit ba 'to ganito?

"Pakinggan mo sana ako Ty, pakiusap." Huli kong sabi saka ay dahan-dahang humakbang.

"Hindi ko kaya." Bigla niyang sabi. Napatigil naman ako sa narinig kong mga salita.

"Krissy, mahal na kita." Bigla akong natali sa kinatatayuan ko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Mahal mo 'ko?

"Patunayan mo." Sabi ko saka ay humarap sakanya.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"A-ano?"

"Kung mahal mo 'ko, mapipigilan mo 'ko." Seryoso kong sabi na naging dahilan ng pagkataka niya.

"Isa na lamang ang paraan para mapigilan mo 'ko Tyson, unahan mo 'ko." Bigla namang kumunot ang noo niya sabay ng pagtatakang ekspresyon sa mukha niya.

"Krissy,"

"Alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko. Kakayanin mo 'yon kung talagang mahal mo 'ko. Kung talagang mahal mo 'ko, 'di mo 'ko hahayaang gawin 'to."






"If possible, patayin mo 'ko." He was dumbfounded mula sa sinabi ko. Agad na akong tumakbo palayo sakanya.

Iniwan ko siyang mag-isa habang 'di makapaniwala sa narinig niya.

I'm sorry Tyson, kailangan kong gawin 'yon dahil alam kong, ikaw na lamang ang paraan upang mapigilan ako. Kailangan kong tuparin ang pangako, at ikaw lamang ang magiging balakid nun. Please, pigilan mo 'ko. Ayokong pumatay ng tao.

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon