Shadow Of Tears: [Part 43]

422 165 17
                                    

Chapter 43

Tyson Go's POV

Lumipas ang ilang linggo, walang kahit na anino man lang ni Krissy ang nakita ko. Kahit man lang si Shone. Wala talagang nagparamdam niisa sa mga Davinson. Ewan, malaki ang nagbago sa Top Students eh. Idagdag mo pang wala si Sean. Hindi parin siya nakakarecover. Hindi pa siya nagigising mula sa coma niya.

At si Shenny? Ayon, nagiging loner na naman. Umuuwi na ng maaga at laging nasa mall. Wala naman talaga siyang kaibigan, wala siyang mapagkakatiwalaan.

Nasan na ba si Krissy? Ang sama niya, 'di man lang siya nagpaalam.

Naputol naman ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Notification lang pala.

Nasa VIP room na kami ngayong dalawa ni Shenny. May public inteview kasi si Daddy. Kinakabahan na nga kaming dalawa ni Shenny.

Kasi nga daw, ngayon na nila ihahayag ang buong katotohanan at ang istorya sa likod ng issue tungkol kay Kacey.

Napatingin naman ako kay Shenny na hindi mapakali. Palakad-lakad at paikot-paikot siya sa loob ng kwarto, kaya naman sinambit ko ang pangalan niya at napatigil naman siya.

"Relax Shenny, magiging maayos ang lahat." Pagpapakalma ko sa sakanya. Talagang kinakabahan siya eh. Pabagsak naman siyang umupo sa kabilang sofa.

"Nakakainis naman eh, kinakabahan ako." Anas niya sabay pout.

Ngumiti na lamang ako sa ginawa niya. Kinakabahan rin naman ako, pero alam ko namang magiging okay lang ang lahat eh.

Bigla namang bumukas ang pinto, bumungad samin ang mukha nung secretary ni Daddy.

"Magsisimula na in 35 minutes." Sabi niya saka ay agad na lumabas at isinara ang pinto.

Napahinga naman ako ng malalim. Malapit na talaga. It's now or never. Ano man ang mangyari, alam kong magiging handa ako sa lahat.

Krissy Davinson's POV

Mabilis kong ipinatakbo ang motorsiklo ko patungo sa lugar kung saan magaganap ang Public Interview ni Ronnie Go. Dala ko na lahat ng kakailanganin ko. Napahinto naman ako sa pagpapatakbo nang natanaw ko na ang building na 'yon. Nasa 'di kalayuan na ako ngayon. Saka ay, hinubad ang helmet na suot ko.

Napatutok naman ako sa building na 'yon at napahinga ng malalim.

Kakayanin ko 'to. Papatunayan ko na lahat ng pangako ay hindi napapako. Promises were meant to be broken? Kasinungalingan. Hindi ka nalang sana nangako kung 'di mo kayang gampanan at panindigan.

"Promises are not meant to be broken. Tutuparin ko ang pangako ko kay ate." Mahina kong anas. Saka ay isinuot na ang half mask na ginagamit ko lagi.

Agad ko ng pinatakbo ang motorsiklo ko tungo sa building na 'yon.

Ronnie Go's POV

Nakatanaw lamang ako sa malayo habang nakatayo sa may glass window ng VIP room ko.

This day has come. Alam kong mangyayari talaga 'to. Alam kong ikasisira 'to ng pangalan at kompanya ko pero, ito ang tama.

"Wala talagang sekreto na natatago." Mahina kong anas habang pinagmamasdan ang litrato ni Reena na nasa wallet ko.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon