Shadow Of Tears:[Part 25]

751 269 234
                                    

Chapter 25

(Continue lang po ito nung nasa Mall ^_^)

Krissy Davinson's POV

Palapit na ako kay Tyson ng may biglang nagligtas sakanya. Kaya naman, natigilan ako. Saka ay napasuri sa babaeng 'yon.

"Kacey.." Bulong ko ng makilala ko siya. Bakas sa mukha ni Kacey ang pag-aalala at makikita ko ring gulat na gulat si Ty sa nakikita niya.

May bigla namang mga guards na lumapit kay Kacey saka ay hinila siya nito palayo kay Tyson.

"Tara na ma'am!!" Matapang na sabi no'ng isa sa mga guards.

"Te--teka!!" Sigaw ni Tyson saka ay tumayo. Pero patuloy parin ang pag-hila ng guards kay Kacey hanggang sa huminto sila sa isang kotse.

Bigla ko namang namataan 'yong plate number ng kotse. RQ3583. Ano?!

'Yon ang plate number ni---- Mr. Lee.

Pilit naman nilang ipinasok si Kacey sa kotse. Samantalang lahat kami nakatingin lang sa nangyayari.

Pero pa'no? Ano ba ang koneksiyon ni Kacey kay Mr. Lee? Bigla nalang ako'ng nagulat ng isang konklusyon ang nabuo ko. Kacey Lee at Rico Lee?

'Di kaya'y, mag-ama sila?'

Kacey Lee's POV

Nasa bahay na kami ngayon. Tahimik akong sumunod sa guards ni daddy papuntang opisina niya. Tsh, alam ko na kung ano'ng mangyayari sa'kin.

"Nandito na po ako." Anas ko ng makalapit na sakanya. Nakatalikod siya. Humarap naman siya sa'kin saka ay sinampal ako.

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU?" Galit niyang sigaw sa'kin. Hindi naman ako nagsalita kun'di napayuko na lamang ako.

"I'm sorry. I'm sorry." Paumanhin ko sakanya sabay luhod. Wala na ako'ng ibang magagawa kun'di ang humingi ng tawad. Lagi naman eh.

"I HAVE BEEN WATCHING YOU!!! Bakit ba mahirap sa'yo ang intindihin? Na bawal mo'ng lapitan at kausapin ang lalakeng 'yon?"

Sa mga sinabi niya, biglang nangilid ang mga luha ko. Tama, alam ko.

"Alam ko'ng bawal. Alam ko'ng hindi pwede. Pero, ano ba'ng magagawa ko kung pilit ako'ng inilalapit sakanya ng tadhana?" Malungkot ko'ng anas habang nakayuko.

"KACEY!" Biglang sigaw ng isang babae'ng nasa isip ko. Kaya napapikit ako.

'Tandaan mo, kaaway sila. Kaaway siya!' ~~ Sigaw ng babaeng nasa imahinasyon ko.

"TANDAAN MO! KAAWAY SILA. KAAWAY SIYA!" Biglang sigaw ni daddy kaya bigla ako'ng natauhan at ibinuka ang mga mata ko. Naalala ko na naman siya. Napangiti naman ako ng mapakla. Pareho sila ng iniisip. Pareho ang pinaniniwalaan ni Daddy at ng babaeng pinakamamahal ko.

Ako lamang ang naiiba sa kanila. Pa'no ba nangyari 'yon?

"Wake up Kacey. Lumingon ka sa pinagdaanan mo."

Bigla naman ako'ng napatingin kay daddy. Tama, kailangan ko'ng magising. Hindi kami pwede ni Tyson. Hindi. Pero-- Hindi ko parin lubosang matanggap.

Agad naman ako'ng lumabas mula sa opisina ni Daddy at nagtungo sa Garden. Napa-upo naman ako sa isang bench na malapit sa fountain.

Phone Ringing~~

Incoming call: _♥_

"Hello?"

[Kacey.]

"Papagalitan mo rin ba ako?" Naiiyak ko'ng sabi.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon