Shadow Of Tears:[Part 53]

388 155 12
                                    

Chapter 53

Krissy Davinson's POV

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Napakasikip na nito. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngayon, bahala na ang mga paa ko.

Flashback.

"Sabihin mo sakin ang lahat Ate. Upang matahimik ako." Cold kong sabi nang makapasok na ako sa kwarto ni Ate.

Bumuntong hininga naman siya.

"Lahat ng narinig mo, totoo. Sa simula palang, alam ko ng si Tyson ang nawawala kong kapatid. Alam ko na rin kung sino ka. Apat na taong gulang pa lamang ako nang isang babaeng estranghera ang dumating sa bahay. Si Reena. May dala-dala siyang bata, at ikaw 'yon Krissy. Pinaampon ka niya kina Mom at Dad since, magkaibigan sila matagal na."

"Bago ka niya iniwan, may pinasuot siya, 'yon ang kwintas na 'yon. Naging bahagi ka ng pamilya, tinuring kang tunay na anak. Pinasaya mo sila Mommy at Dad, ngunit kapalit nun ay buhay nila. Nalaman kong, may asawa na pala si Reena at aksidente lang ang pagkabuo mo sa isang lalakeng minahal niya ngunit hindi naging sila at 'yon si Ronnie Go." Dagdag niya saka ay tumingin sakin.

"Pinapapatay ka ng asawa ni Reena 'pagkat 'di niya matanggap ang pagtataksil ni Reena sakanya, at nadamay kami dun. At sa pagkakaalam ko, sinubukan kang iligtas ni Ronnie ngunit iba ang naligtas nila. Hindi ko alam kung bakit napunta kay Tyson ang kwintas mo. Inakala siguro nilang si Tyson ang anak ni Reena dahil sa kwintas na 'yon." Napayuko naman siya.

"Doon nagsimula ang lahat Krissy. Sa simula, ginamit kita para maghigante pero, 'di ko naisip na 'Blood is thicker than water'. Mangingibabaw ang nararamdaman mo para sa iyong ama kaysa sa, samin na foster family mo lang. Kaya ka nahirapang patayin si Ronnie, dahil konektado ka sakanya."

Bigla naman akong napakuyom.


"Ganun? Tsh. Wala talaga akong alam sa pagkatao ko." Anas ko saka ay agad na tumalikod sakanya.

"Teka, saan ka pupunta?" Pigil sakin ni Ate.

"Hahanapin ko ang sarili ko." Sagot ko.

"Napakadelikado Krissy, hinahanap na tayo ng mga pulis." Alala nitong usal.

Pero hindi ako nakinig, sadyang gusto kong magwala. Urgh, ang gulo ng buhay ko.

End of Flashback.



'Di ko namalayang nasa labas na pala ako ng hospital. Napangiti naman ako ng mapakla. Saka tiningnan ang mga paa ko.

"Sa dami ng lugar, ba't dito pa?" Tanong ko na tila kinakausap ang sariling paa.


Agad naman akong pumasok sa loob. Hinanap ko ang kwarto ni Ronnie Go. Hindi naman ako nahirapan. At heto ako ngayon, nakasilip sa loob.

Nakita ko si Shenny na nakatutok sa ama nito na walang malay at nakahiga. Si Mrs. Kim naman ay nakahawak sa kanang kamay ni Ronnie at may mga luha sa mata.

Bigla naman akong napayuko. "Siya pala." Anas ko saka ay pinahid ang mga luha sa pisngi. "Ang sama kong anak." Mahina kong anas sa sarili.


Bigla ko namang napansin na napapatingin sakin ang mga taong dumadaan. Saka ay, nagbubulong-bulungan.

Nagtaka naman ako, saka ay sumagip sa isipan ko ang sinabi ni Ate. 'Hinahanap na tayo ng mga pulis.'

Agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko at aktong maglalakad na ako sa elevator nang bumukas ang elevator atsaka lumabas ang mga armadong pulis. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na iniba ang direksiyon.

Agad akong nagtungo sa Emergency Stairs. Doon ako dumaan. Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko. Pagkalabas ko sa pinto nitong Scape Route na 'to, dahan-dahan akong lumabas doon.

May nakita naman akong lalakeng patungo sa direksiyon ko na nakasuot ng sumbrero kaya agad kong kinuha ang sumbrero.

"What the!" Sigaw nun, ngunit tumakbo na ako at agad na isinuot 'yon.

Agad ko nang tinungo ang huling hagdan o ang main Stairs para makaabot sa first floor. Napakaraming tao ang nakakasalubong ko. Kaya nakayuko ako at bigla nalang may sumigaw.

"Ayon siya!" Rinig kong sigaw nung lalakeng nasa second floor habang nakahawak sa rail ng hallway. Mga pulis pala 'yon

Kaya'y nagmadali akong tumakbo. Saka ay paikot na ako papuntang exit nang may namataan na naman akong mga pulis na papasok mula doon kaya'y napabalik ako. At isa na lamang ang dadaanan ko, kundi sa main entrance.

Kahit na mahirap, pipilitin kong makalabas. Aktong hahakbang na sana ako para tumungo doon nang bigla nalang bumukas ang isang pinto at may biglang humila sakin.

Naging alerto naman ako kaya'y agad kong kinuha ang kutsilyo sa belt ko at inikot ang taong 'yon at isinandal sa pader habang itinututok ang kutsilyo sa leeg nito.



Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang mukha niya. Kahit na madilim dito, kabisado ko parin ang teksto ng mukha niya. Halatang nagulat rin siya.


"T-Tyson?"



To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon