Shadow Of Tears: [Part 42]

498 194 21
                                    

Chapter 42

Ronnie Go's POV

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong sakin ni Kim habang iniaabot sakin ang jacket ko.

"Oo, masyadong matagal narin nating itinago sa kanila ang totoo." Sagot ko sa tanong niya. Napabuntong hininga naman siya. Kaya ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Sigurado akong, pagkakamuhian ka ng mga anak mo Ronnie." Alala niyang sabi.

"Kim, magiging maayos ang lahat. Hindi na natin maitatago pa ang nakaraan, mas mabuting ihayag na natin ang katotohanan habang maaga pa." Pagpapakalma ko sakanya. Alam na ni Kim ang tungkol kay Reena. Tanging siya at ako lamang ang nakakaalam sa nangyari.

Ngayon, sa tingin ko, mas mabuti na malaman ng lahat.


Krissy Davinson's POV

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto ko. Habang naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Ate.

Flashback.

Nandirito ako ngayon sa labas ng bahay habang nakatanaw sa puno ng cherry.

Mommy, hindi ko na alam ang nangyayari dito.

"Kalaban natin ang mga Go, Krissy. Hindi sila kakampi." Biglang nagsalita si Ate mula sa likuran ko. Kaya'y napalingon ako.

"Alam ko." Sagot ko.

"Please, huwag mong sirain ang tiwala ko sayo Krissy. Don't disappoint me." Sabi niya. Napakuyom naman ako.

"I warned you from the start, mapupuno ng dugo ang paligid mo kapag~"

"Kapag umibig ako? Seriously Ate, I don't understand what I'm feeling now. Naguguluhan ako. Pa'no mo nasasabing umiibig na 'ko kung mismo ako 'di alam ang totoong nararamdaman?" Dugtong ko sa mga salita niya. I don't know, I can't explain what I'm feeling.

"Krissy." Alala niyang sambit sakin.

"I'm so confused, Ate Kendice. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pero dalawa lang naman ang maaaring sagot eh, it's either, I'm inlove just like what you've said or siguro dahil sa pagiging ignorante ko. Naiignorante ako sa mga bagay na nagagawa niya na hindi niyo kayang ibigay sakin." Anas ko saka ay dahan-dahang namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Krissy, sino bang kakampi mo? Sino bang mas mahalaga sayo? Ang pamilyang kinagisnan mo, o ang taong nakisawsaw lamang sa buhay mo? Nandito tayo para maghiganti at bigyan ng katahimikan ang mga puso natin. Hindi ko akalaing magkakaganito ka. So, cut it Krissy. Iwasan mo na si Tyson atsaka, quit from your school." Natigilan naman ako sa narinig ko mula kay Ate. Saka ay napatingin ako sakanya ng may pagtataka sa mukha.

"Ate,"

"Simula ngayon, ifo-focuse mo na ang sarili mo sa misyon. Stop wasting your time with those useless and helpless persons." Seryosong sabi ni Ate. Para naman akong nabato sa kinatatayuan ko.

Useless and helpless persons? Ganun nga ba sila sa buhay ko?

Ate Kendice, hindi mo lang alam, Ang mga Top Students na 'yon, hindi lang sila mga kaibigan kundi, mga taong mapagkakatiwalaan. Minsan na nila akong pinasaya, minsa narin nila akong binigyan ng halaga.

"I'm curious about something, kaya tatanungin kita Ate. Bakit ko ba kailangang protektahan si Tyson, kung hindi natin kakampi ang mga Go?" Tanong ko sakanya bago paman siya makalayo.

Napatigil naman bigla si Ate saka ay yumuko.

"Malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon."

End of Flashback.

Patuloy parin ako sa paglalakad patungong kwarto ko.  Iniisip ko ang mga bagay na dapat kong gawin.

Tama si Ate, kalaban nga namin ang mga Go. Dahil, isa sila sa mga taong naging dahilan kung bakit nawalan kami ng mga magulang. At sa kaso naman ni Tyson, alam kong may dahilan si ate kung bakit niya pinapo-protektahan si Tyson sakin.

Bigla naman akong napahinto nang, mabuo ang desisyon sa isipan ko.

Saka ay, iniba ang direksiyon ng nilalakad ko. Papunta ako ngayon sa direksiyon kung saan ang kwarto ni Ate Kendice.

Lakas-loob ko namang binuksan ang pinto. Agad namang bumungad ang napakaseryosong mukha ni Ate.

"Gagawin ko na ang gusto mo. Tatapusin natin 'tong dalawa, Ate Kendice."

Gumuhit naman ang mala-demonyong ngiti mula sa mga labi ni Ate Kendice.

~❤~


Tyson Go's POV

Isang bagong umaga na naman. Kanina pa ako nandito sa room, maaga kasi kaming pumasok ni Shenny.

Kaunti palang ang mga taong nasa loob ng classroom ngayon. Bigla naman akong napalingon sa table ni Krissy. Wala pa siya eh, maaga naman 'yong dumarating. Late ata siya ngayon.

Napatutok naman ako sa pinto ng classroom namin. Umaasa akong, bumukas 'yon at makikita ko si Krissy.

Mga ilang segundo, biglang bumukas ang pinto kaya nama'y napangiti ako, nagbabaka-sakaling si Krissy na 'yon.

Kaso, hindi pala si Krissy eh. Nakakainis. Napasimangot naman ako. Asa na ba ang babaeng 'yon? Tsk.

Napatingin din naman ako sa table ni Shone. Kaso, wala rin siya eh. Ang tagal ng magkapatid na 'yon ah?

Napa-nap naman ako sa table ko, ba't ba ang boring ng buhay ko kapag wala si Krissy? Huhu, Tyson naman eh. Nakakainis ka, ba't mo ba hinahanap si Krissy?

Napailing naman ako. Mababaliw ako sa trabaho na 'to.

Nabigla naman ako nang, bumukas ang pinto at bumungad ang mukha nila Ryan at Kenny na tila'y hingal na hingal. Aba't ilang kilometro ba ang tinakbo nila?

"Ang dalawang Davinson, nag-drop out na." Seryosong hatid ni Kenny samin.

Napatayo naman ako sa narinig ko dahil sa sobrang gulat.

"Can't be!" Sigaw ni Shenny.

"N-nag drop out na sila?" 'Di makapaniwala kong tanong.


To be continue..

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon