Shadow of Tears [Part 30]

472 255 160
                                    

Chapter 30

(Dugtong parin po ito nung pagligtas ni Kacey kay Shenny)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Dugtong parin po ito nung pagligtas ni Kacey kay Shenny)

Shenny Go's POV

Matapos ang ilang segundo ay pareho kaming natauhan ni Kacey. Kaya naman ay agad akong tumayo. Ganun din naman si Kacey.

Wala akong balak na magpasalamat sakanya. Never. Over my dead body. Ito nga, napapalibutan na kami ng kay raming students. Aissh! Napakainit ng atmosphere dito. Nagtama naman ang tingin naming dalawa ni Kacey.

Nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

As if I care. Binigyan ko naman siya ng pagdududang tingin.

"Shenny.." Anas ni Kacey

"GUYS! MAY MALAKING BALITA!" Biglang sigaw nung isang student na lalake na kararating lang kaya't nakuha niya ang attention ng lahat. Hingal-na-hingal nga siya eh.

Matapos nun ay nagsitakbuhan na ang iba patungong information lounge ng Royal School. Bago paman ako umalis ay ibinaling ko for the last time ang tingin kay Kacey.

"Tshh." Tanging reaksiyon ko. Saka naman ay agad na nagtungo sa Information lounge. Binunggo ko pa nga ang balikat ni Kacey ehh.

Pagkarating ko doon, nakipagsiksikan ako sakanila hanggang sa makaabot ako sa harap upang makapanood sa TV. Dumating din naman ang iba pang mga Top Students.

Nagulat naman ako ng si Euny ang nakita ko sa screen.

[TV coversation. Between Euny and an Interviewer]

'Totoo po bang nagdididate kayo ni Ryan Lim ng Lim Group?"

"Hindi po." - Euny

"Totoo din po ba 'yong pangyayari sa video?"

"Ahh-- O--opo." -Euny

"Kung gano'n, it's one sided love?"

"It is one sided love. Ako lang ang may gusto sakanya. And Ryan don't feel the same towards me." -Euny

"Ayan na nga po, inamin na ni Miss Euny Hye ng Hyedo Group. It is one sided love."

End of the conversation.

"What? Aba naman.. Served her right. Mapagmataas kasi masyado. Ayon, di nagustuhan ni Ryan."

"Sino ba naman si Euny para magustuhan ni Ryan? Tsh. Pera lang meron siya. Meron naman si Ryan niyan eh. Pero hindi gaya niya ang type ni Ryan."

Yun nga ang naririnig kong mga bulong-bulongan ng mga Royal Students dito.

Napatingin naman ako kay Ryan. Nakikita kong nag-aalala siya. Nagulat naman ako ng biglang tumakbo paalis si Ryan. Napansin din naman 'yon ng ibang Top students kaya sinubukan nilang habulin si Ryan kaso hindi na naabutan.

Napayuko naman ako.

"Ano naba'ng nangyayari samin ngayon? Ba't nagkakagulo na?" Bulong ko sa sarili.

Euny Hye's POV

Matapos ang press conference tungkol sa kasalukuyang issue tungkol samin ni Ryan, agad na akong lumabas sa conference hall.

Ako mismo ang nagpaschedule ng interview na 'to, gusto ko kasing maliwanagan na ang lahat. Ayokong madamay si Ryan.

Kasama ko ngayon ang iilan sa mga bodyguards ko at palabas na kami ng building.

Nang makalabas na kami sa building.. Nagulat ako sa nakita ko.

"Oh Jesus!" Bulong ko sa sarili ko ng makita kong ang raming mga reporters at camerang nag-aabang sa'kin.

"Miss Hye, isang tanong lang po"
"Miss Hye, kahit isang statement lang po"
"Miss Hye, blah blah blah blah.."

Ang ingay-ingay at ang gulo-gulo! Akala ko magiging okay na pagkatapos nung press conference. May mas malaking gulo pa pala.

Agad naman akong kinoveran ng mga bodyguards ko. At pinagtutulakan ang mga reporters. Pinipilit din nilang ibaba ang lahat ng camera. Ngunit kahit ganun, patuloy parin ang lahat sa pagkukuha ng video at litrato.

Wala na akong malalabasan, wala akong maisip na paraan. Pa'no ba ako makakaalis dito? Hindi ko naman namalayang, tumulo na pala ang mga luha ko.

Para akong bata na iniwanan ng mga magulang sa gitna ng mall.

Napayuko naman ako at tuluyang umiyak ng----

May biglang humila sa'kin at ki-nover ako ng isang puting Jacket. Atsaka ay, kinaladkad niya ako. Hindi pala, tinulungan niya akong makawala mula sa masikip at magulong lugar na 'yon.

"Oh! Si Mr. Lim!"
"Si Ryan Lim!"

Rinig kong sigawan ng mga tao sa paligid. Mas lalo pa akong naiyak ng mamukhaan ko ang Superherong ito.

Ryan..

Matapos ang ilang minuto ay tumigil kami sa paglalakad. Matapos ay hinarap niya ako.

Nabigla naman ako ng, pinunasan niya ang luha sa mga pisngi ko. Subalit, patuloy parin sa pagtulo 'tong luha ko kaya pinunasan na niya naman ito... Kaya nama'y bigla kong iwinakli ang kamay niya. Tapos ay tiningnan siya.

"Ano bang ginagawa mo? Naaawa ka ba sa'kin? Tsh. Siyempre, oo. Pasensiya na kung naabala ka pa." Malungkot kong anas saka ay tumalikod.

"Ganyan ka ba magpasalamat? Ha?!" Sigaw niya.

"Dapat ba kitang pasalamatan? May nagawa ka ba para sa'kin? Ahh oo, dahil nga pala sa'yo pinagkakaguluhan na ako ng mga press. *Scoff* Naging number one search topic ako sa internet. Naging kaawa-awa ako sa mga mata ng iba."

"EUNY! Ano ba? Hahayaan mo bang pagpintasan ka ng lahat ha? Ganun ba talaga ang sitwasyon nating dalawa? Ano yun? One sided love? Euny--"

"Tama na! Pagod na ako Ryan. Even though, I'm confused and sad. It's my business. Kaya, don't concern yourself with my matters. At simula ngayon, sa lugar at oras na 'to.." Malungkot kong sabi. Oo may pinaghuhugutan ako. Nasasaktan talaga ako eh. Hinarap ko naman siya at tinitigan sa mga mata.

 Hinarap ko naman siya at tinitigan sa mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bibitawan na kita. Malaya ka na. At kakalimutan din kita."

Matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, agad ko siyang nilagpasan. Saka naman ay napahawak ako sa puso ko, ang sakit. Ang sakit-sakit.

Ryan, mahal kita. Pero sa ngayon, bibitawan na kita.

~~

To be continue! Yeheyyy! Natapos ko na ang Chapter nato! Guys? Pakicomment, vote at recommend po? Lovelotssss ❤

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon