Shadow Of Tears:[Part 48]

372 153 9
                                    


Chapter 48

Long Haired Girl's POV

Dagli akong tumakas mula sa pagkakabitag ko sa babaeng 'yon. Napahawak naman ako sa giliran ko. Nasugatan niya ako. Napatawa naman ako, may pambihira siyang galing ah?

Agad naman akong tumungo sa mansion. Tahimik akong pumasok sa loob. Agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Teka, hindi ko pala kwarto, kwarto pala naming dalawa. Sa veranda ako dumaan upang 'di na ako mahirapan pa.

Pagbukas ng pagbukas ko sa glass window, agad na bumungad sakin ang isang babaeng takatayo at nakatingin sakin. Nakikita ko ang sarili ko sakanya.

Bigla namang nagbago ang ekspresiyon niya, bigla siyang nag-alala at agad na lumapit sakin.

"Stacey, m-may sugat ka." Alala niyang sabi.

Stacey. Stacey. Stacey.

Tama, ako si Stacey Lee. Ang nag-iisang kapatid ni Kacey. Alam niyo ba kung ano ang mas malaking sekreto sa pagkakapatid namin? Kambal kami pero magkaiba ang pananaw namin.

Ako ang nagtutukso sakanyang sirain ang buhay ng mga taong sumira samin, kaya napilitan siyang sumangguni sa lahat ng plano ko.

Ako ang babaeng pinangalanan nilang 'The Long Haired Girl" at hindi si Kacey. Ngunit, kasama ko si Kacey sa lahat ng mga plano ko.

Naaalala niyo ba 'yong araw na una akong nagpakita? 'Yong araw na nawala ang ID pass ni Ronnie Go? Ako 'yon. Ako 'yong nakita ni Krissy na naglalakad palayo. Pati narin 'yong gabing tinangka kong pasukin ang office ni Ronnie Go? Ako rin 'yon.

'Yong sa cafeteria? Ako rin 'yon, ngunit kasama ko na si Kacey nun. Muntikan na kasi akong mahuli nun. Buti nalang at dumating si Kacey.

Dalawa kaming naghihiganti ni Kacey. Sa pait ng sinapit namin, nagkaganito kami. Gusto naming iparanas sa kanila ang hirap at sakit. Kaya't pinapahamak namin ang dalawang magkapatid na mga Go. Pagkatapos, isusunod namin si Ronnie Go at huli, ang asawa niya.

Inalalayan naman ako ni Kacey papuntang kama. Saka ay, ginamot ang sugat ko.

~❤~

Shenny Go's POV

"Kuya!" Tawag ko kay Kuya Ty habang nakatanaw sakanya.

Ngunit nagpatuloy parin si Kuya sa ginagawa niya.

"Kuya!" Sigaw ko ulit. Kanina pa kasi ang lunch eh, pero ayaw niyang tumigil. Alam niyo ba kung ano ang ginagawa niya? Kanina pa siya nagiensayo sa paggamit ng baril.

Napatakip naman ako sa tenga ko nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.

Nasa 'di kalayuan ako ngayon kay Kuya, hindi ako lumapit kasi nga baka ako ang mabaril niya. Ilang araw narin na ganyan siya. Tahimik at malungkot, masungit at pikunin at higit sa lahat ay napakatamlay niya. Lagi ko siyang naaabutang nakatulala.

Simula nung nalaman naming kalaban pala si Krissy, naging baliw na siya. Baliw na si Kuya Ty. Nakakainis.

Pati narin ang mga Top Students, alam na nila kung ano ang plano ng magkapatid na Davinson.

We were all so disappointed. At ngayon nga, wala ng pasok. May 2 weeks vacation kami.

"Kuya Ty! Ano ba!" Sumigaw na naman ako. I shouted upto the top of lungs para mapansin lamang ako ni Kuya.

Napansin ko namang napatigil si Kuya Ty saka ay lumingon sakin. Kaya ngumiti ako at kumaway sakanya. Ngunit, deadma parin ako. Ipinagpatuloy niya parin ang ginagawa niya. Napayuko naman ako. Si Kuya talaga.


Napabuntong hininga naman ako saka ay dahan-dahang naglakad pabalik sa mansion.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad na akong napahiga sa kama.

Bahala ka Kuya Ty, gawin mo ang gusto mo.

Napatagilid naman ako at bigla kong nakita ang isang jewelry box sa sidetable ko. Huh? Hindi ko matandaang naglagay ako ng jewelry box sa sidetable.

Agad naman akong napatayo at tumungo sa kinaroroonan nun. Kulay itim na jewelry box. "Kanino ba 'to?" Agad ko namang kinuha 'yon saka ay binuksan.


Nagulat naman ako sa laman nun. Teka, ito 'yong. Partner ng couple pea? Ito 'yong kinuha ni Kuya Ty sakin. Sabi niya, binigay niya daw kay Shone?

Teka, ibig sabihin.
Nandito si Shone?


Agad naman akong napalabas sa veranda ng kwarto ko saka ay napasuri sa paligid. Shone? Nasaan ka?

Agad naman akong lumabas sa kwarto at tumakbo ng mabilis. Sa bawat nadadaanan ko ay napapasuri ako. Hanggang sa may nakabunggo ako.

"May problema ba?" Si Kuya Ty pala. Umiling lamang ako at 'di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Tumakbo parin ako palabas ng bahay, saka ay napalingon-lingon sa paligid.

"Shone, please kausapin mo 'ko." Mahina kong sabi. Saka ay muling napatingin sa couple pea.




To be continue..

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon