Shadow Of Tears: [Part 35]

464 248 115
                                    

Chapter 35

Tyson Go's POV

Kalalabas ko lang mula sa isang 24 hours store. Napahinto lang naman kaming dalawa ni Shenny dito. Bumili lamang kami ng maainom. Andun nga si Shenny sa kotse eh, pinahintay ko nalang siya doon.

Naglalakad na ako patungo sa kotse namin. Namataan ko naman si Shenny na nasa loob ng kotse. Medyo, malayo-layo pa naman ang lalakarin ko. Ang layo kasi ng parking lot nito eh. -.-

Patuloy lamang ako sa paglalakad nang nagulat ako na may mga taong nakasumbrero ang biglang lumapit sa kotse at binasag ang kabilang salamin ng kotse kung saan malapit nakaupo si Shenny.

"SHENNY!"

"Aaaaaaaah!" Biglang sigaw ni Shenny nang hilain siya nung mga lalakeng 'yon.

"Shenny! Bitawan niyo siya!" Halos lumipad na ako sa bilis ng pagtakbo ko nang, may biglang humarang sakin na mga kasamahan din ata nila.

"Kuya! Ahhhh!" Shenny. Shenny, hintayin mo 'ko.

Nagprepare naman ako. Atsaka ay, sinubukang makipagsuntukan sa kanila. Nakatama naman ako kaso, natatamaan din nila ako.

Napahawak naman ako sa tiyan ko. Saka ay napadura ng dugo.

*coughing*

Pinilit ko paring makatayo. Nakikita ko parin naman si Shenny na kinakaladkad nung mga lalake habang pinagsusuntok sila ni Shenny.

Sumugod naman ako ulit. Kaso this time, sinalo nung isang babae ang kamay ko.

Aray, ang sakit na ng kamay ko. Kasi naman dahan-dahan niya itong twinist. Atsaka ay sinipa ako ulit sa tiyan ko. Kaya naman, napadapa ako.

"Kuya!" Rinig kong sigaw ni Shenny pero 'di ko na talaga kaya. Ang sakit na ng katawan ko.

Napatingin naman ako sa paang papalapit sakin. Limang hakbang nalang at makakalapit na talaga siya sakin.

Apat na hakbang nalang.

Tatlong hakbang.

At~

Dalawa nalang. Napapikit naman ako. Iisang hakbang nalang at maaaring, katapusan ko na.

Nawalan na ako ng pag-asa at iniisip kong mamamatay na ako subalit, may biglang natumba sa harap ko.

"Ahhh." Anas ng taong natumba malapit sakin.

Teka, ano bang nangyari?

Napadilat naman ako at, nakita ko ang isang babaeng nakamaskara at nakaponytail. Nandito na naman siya. Ang superhero ng buhay ko.

Bigla naman akong napangiti. Dumating siya. Dumating ka nga.

Dumating ka nga Guardian Angel.

Pinagmasdan ko lang naman siyang nakikipaglaban sa mga taong 'yon. Ang ganda niya, kahit natatakpan ang kalahati ng mukha niya.

Ang galing mo. Bulong ko sa isipan ko. Napatumba na niya kasi ang lahat ng 'yon. At ngayon ay nakatingin siya sakin. Kaya naman, napaayos ako sa pag-upo. Saka ay, dahan-dahang tumayo.

Ang ganda ng mga mata niya.

Lalapit na sana ako sakanya nang bigla na lamang siyang tumalikod mula sakin saka ay naglakad palayo.

"Kuya! Tulungan mo 'ko!" Natauhan naman ako bigla nang marinig ko ang boses na Shenny.

Napalingon ako sakanya. Pinasakay na siya nung mga mokong sa kotse.

"Shenny!" Sigaw ko saka ay nagsimulang tumakbo kaso nga lang, ang sakit talaga ng tiyan ko.

Pero kahit ganun, nagpatuloy parin ako habang nakahawak sa tiyan ko. Kailangan kong matulungan si Shenny.

Takbo ako ng takbo. Kailangan kong makaabot sa kotse ko. Tumatakbo lamang ako nang bigla akong natumba.

"Ahhhh." Napaungol ako sa sakit ng braso ko.

Shenny..

Guardian Angel's POV

Matapos kong matulungan si Tyson, agad na akong tumalikod. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakialam sa away na 'to.

Paalis na sana ako sa lugar na 'yon nang narinig ko ang boses nung babae na 'yon. Kasalukuyan siyang isinasakay sa kotse.

Nakita ko namang tumakbo si Tyson papunta sa babaeng 'yon. Si Shenny. Teka, ano bang iniisip niya?

Sa kondisyon niyang 'yan? Ililigtas niya ang babaeng 'yon. Aish.

Tumalikod nalang ako. Ano bang gagawin ko? Nabigla naman ako nang~ may humagalpak sa lupa.

Kaya ay napalingon ako kay Tyson na kasalukuyang nakadapa sa lupa. Bigla naman akong napakuyom at napapikit.

"Aish." Mahina kong anas saka ay nilingon 'yong sasakyang nahihirapan sa pagpapaandar nung sasakyan nila.

Agad ko namang kinuha ang tatlong pirasong shuriken mula sa maliit na belt ko saka ay itinapon at itinarget 'yon sa isang gulong nung kotse.

Siyepre naman, tumama 'yon. Timing naman at napaandar na nila ang kotse subalit, sorry sila dahil 'di na tatakbo 'yan.

Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nila. Lumabas naman ang tatlong mga lalakeng 'yon.

Nagulat naman sila nang makita ako. Sinenyasan ko naman si Shenny na tumakbo. Kaya ay, tumakbo nga siya.

Agad naman silang sumugod sakin. Lahat ng mga suntok at sipa nila ay nasasalo ko. Hindi nila ako natatamaan.

Sinugod naman ako nung isa kaya ay sinipa ko 'yong nasa harap ko ngayon saka ay napaluhod ako at agad na ipinasok 'yong isa kong paa sa baka-open na paa nung lalakeng nakatayo saka ay i-clinip 'yong dalawa kong paa sa kanang paa niya kaya ay natumba siya at nabalian 'yon for sure.

Tumayo naman ako dahil may isa pang natitira. Nawala naman siya sa paningin ko.

Teka, nasaan siya?

Bigla ko namang napansin na may tao sa likuran ko kaya naman ay napaharap ako at naiwasan ang pagsaksak niya sakin. Tama nga, may hawak siyang kutsilyo ngayon.

Nilalaro niya naman ang kutsilyo sa kamay niya samantalang nakatutok lamang ako sakanya. Saka ay sumugod na siya sakin at nahuli ko ang kamay niyang may kutsilyo kaso nabigla ako nang bigla niyang nahiwa ang kabila kong braso.

Sh*t. May isa pa pala siyang kutsilyo sa kabilang kamay niya. Nagulat naman ako nang tinanggal niya ang maskarang suot ko.

Dahil sa sobrang inis ay tinuluyan ko siya. Binalian ko siya hanggang sa mawalan siya ng malay.

Hingal na hingal naman ako. Saka ay napahawak sa kaliwang braso kong dumudugo. Bigla namang bumagsak ang mataas kong buhok. Natanggal ata ang tali ng buhok ko.

"G-Guardian angel?" Kinabahan naman ako ng marinig ko ang bosea ng lalakeng 'yon. Si Tyson. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ko.

Nanatili naman akong nakayuko habang natatakpan ang kalahating mukha ko nitong buhok na 'to.

Napansin ko namang mas lalo siyang lumalapit sakin.

Teka, bakit ganito? Bakit 'di ako makagalaw? Ba't parang nakapako na ako dito?

Teka, kailangan kong umalis. Hindi niya pwedeng malaman ang pagkatao ko.

Nagulat naman ako nang bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

Napatingin ako sa babaeng nakatayo ngayon. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ate Kendice." Napaginhawa naman ako ng malalim. Buti nalang at napatulog niya si Tyson, muntikan na 'yon.

"Mag-iingat ka lagi. Krissy."

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon