Shadow Of Tears:[Part 23]

707 270 221
                                    

Chapter 23

                        Tyson Go's POV

   Nasa Royal Room na ako ngayon. Kasama ko si Kacey. Dito na kami dumiretso matapos ginamot ang kamay ko. Kaunting sugat lang naman. Hindi ako nabalian. Hindi naman masyadong malala eh.

   Nagbell na kanina, kaya nagsi-alisan na ang mga Top Students. Pero, nagpaiwan si Kacey.

"Okay na ako. Kaya, bumalik ka na sa klase." Mahinahon kong anas. Pero hindi siya sumagot kun'di yumuko.

"Kailangan na'ting lagyan ng bandage ang kamay mo. Sabi ng nurse, lagyan 'yan ng bandage matapos gamutin." Bigla niyang anas sabay abot ng bandage.

   Ibinalot niya naman sa kamay ko 'yon. Habang abala siya, nakatingin lamang ako sakanya. Ng bigla kong naalala 'yong araw na magkayakap sila ni Sean.

"Kacey.." Malumanay kong sambit.

"Hmm?"

"Mahal mo pa ba si Sean?" Diretso kong tanong. Kahit na ayaw kong pag-usapan 'to, kailangan ko paring malaman ang totoo.

    Nagulat naman siya sa sinabi ko ngunit agad niya namang iniba ang ekspresyon niya na parang wala lang sakanya ang sinabi ko.

"Ahh-- nakalimutan ko pala. May-- may quiz pala ngayon. 'Di ko 'yon pwedeng mamiss dahil, 'di naman ako Top Student gaya niyo." Anas niya habang nakayuko. Saka ay tumayo siya.

"Hindi ko parin naiintindihan kung bakit. Kung bakit nangyari 'yon." Anas ko. Napatigil naman siya sa paglalakad.

"9:34.." Anas niya habang nakatingin sa relo niya.

"Ano?" Nagtataka 'kong tanong. Ano bang sinasabi niya?

"1 minute nalang bago ang next class. Kaya, kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na lahat." Anas niya. Bigla namang nangilid ang mga luha ko.

   Hindi ko alam pero, bakit parang sumasakit parin 'tong puso ko sa tuwing umaakto siyang hindi niya ako kilala at wala siyang pakialam. Ewan pero, wala ng niisang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"30 seconds." Anas niya pero nakatalikod parin. Nanatili parin akong tahimik. I think I'm speechless at this moment.

                    Kacey Lee's POV

"30 seconds." Anas ko habang nakatalikod parin. Bilisan mo Tyson. Sabihin mo na lahat ng gusto mo. Gusto kong marinig ang boses mo. Gusto kong marinig ang puso ko. Tama, puso niya. Naririnig ko kasi ang boses ng puso niya sa tuwing may sinasabi siya. Ang weird 'di ba? Basta gano'n.

   Matatapos na ang oras. May 5 seconds nalang. Hanggang sa 3 seconds nalang.

"Kacey.." Anas niya bigla.

"Time's up. Sorry I have to go." Anas ko sabay hakbang ng biglang---- hinila ako ni Ty sabay yakap sakin.

    Nabigla naman ako ng bigla nalang lumapag ang ulo ko sa malapad na chest ni Tyson.

"Tyson...A--ano bang--"
"Saglit lang Kas.. Saglit lang." Malungkot niyang sabi. (A/N: Kas is short for Kacey)

   Hindi ko naiintindihan ang pintig ng puso. Parang, lumulundag saka naman ay titigil. Lundag-tigil. Lundag-tigil. Ano ba'to? Nagdadalawang isip na ang puso ko. Kung, dapat ba akong masiyahan, o dapat na malungkot.

   Natahimik kaming dalawa. At walang nagsasalita ng---

"Mahal parin kita Kas..."

   Bigla namang tumigil ang puso ko sa kakatibok sa sinabi niya. Ano daw?

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon