Chapter 5.5
Krissy Davinson's POV
Heto na ako ngayon, gabi na at naglalakad mag-isa. Pauwi na.May bigla nalang humarang sa dinadaanan ko. Mga lalake, oo marami sila. Sa tingin ko, mga adik 'to. Sa porma palang nila, mahahalata ko na.
"Mag-gagabi na, bakit mag-isa ka lang?" Tanong nung isa sa kanila.
Hindi naman ako umimik. Nanatili lang naman akong nakatayo.
Aalis na sana ako ng bigla akong hinarangan nung isang lalake.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong nung isa sakanila. Tiningnan ko naman ng masama ang lalakeng yun.
"Aba, nagalit siya?" Sabi nung lalakeng nakaharang sakin.
Hinawakan naman nung isa sakanila ang balikat ko.
Kaya naman agad kong hinawakan ang kamay niya at agad na sinipa sa tiyan niya.
"Ah," Ungol nung lalake.
"Aba, matapang kang babae ka. Masarap kang pagpyestahan ah?" Anas nung isa naman sakanila.
Akmang hihilain sana ako ng isa sa kanila ng may bigla dumating.
"Yah!" Huh? Sinuntok siya ang lalakeng 'yon.
"Tyson?" Gulat kong tanong ng makilala siya.
"Hi!" Bati niya at bgla siyang sinuntok ng isang lalake.
"Ang sakit ah," Sigaw niya. Saka ay sinuntok ang lalakeng 'yon.
Tinulungan ko naman siya.
Marami kasi sila (¬_¬) Wala parin naman akong tama. Naiilagan ko kasi lagi ang mga suntok at sipa nila. Napatingin naman ako kay Tyson.
Nakaluhod na siya sa lupa habang nakahawak sa tiyan niya at nakapalibot ang tatlong mga lalake sakanya.
Ays! Talaga naman oh, dagdag abala lang siya.
Nakita ko namang, papaluin na siya ng batuta nung isang lalake kaya agad akong kumuha ng bato atsaka ay agad na ibinato 'yon sa lalakeng nakahawak ng batuta.
Strike. Natamaan ko siya.
"Ahhh!" Sigaw nung lalake habang nakahawak sa kamay niyang dumudugo.
"Pare!" Sigaw nung isa.
"Takbo na!" Sigaw nung isa pa.
Nagsitakbuhan naman silang lahat. Tsh. Mga takutin din pala eh.
*cough--cough*
Bigla namang umubo si Tyson. Lumapit naman ako sakanya.
"Baliw ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Okay ka lang?" Tanong niya sakin.
Baliw ata to eh, sugatan na nga siya, may gana pa siyang tanungin ako?
Ito ba ang sinasabi ni ate na dapat kong protektahan? Pano ko ba siya poprotektahan kung lagi naman siyang naghahanap ng gulo?
Bigla naman siyang ngumiti atsaka ay biglang napasandal sa balikat ko ang ulo niya.
"Hoy," Anas ko.
"Hoy! Gumising ka diyan." Gising ko sakanya habang inaalog siya. Kaso ayaw niyang gumising.
Ayaw mong gumising ah?
Bigla akong tumayo kaya bumagsak siya sa lupa.
"Aray." Angal niya naman habang nakahawak sa balikat. Kung kanina ang tiyan lang masakit sakanya, ngayon dalawa na.
BINABASA MO ANG
Shadow Of Tears #Wattys2017
Mystery / ThrillerGreatest achievement: #1 in Wattpad (Mystery and Thriller Category) [Completed] 'Kailangan kitang protektahan dahil mahalaga ka. Minahal kita dahil akala ko, ikaw na.' - Krissy Davinson 'Nais kong manatili at mabuhay kasama ka, subalit kailangan ki...