Chapter 4

1K 303 65
                                    

Krissy Davinson's POV

(Royal School)
(Edited)

Nakaupo lang ako ngayon habang naka-nap sa mesa ko. Malalim ang iniisip ko ngayon. Iniisip ko ang araw na malaman ko kung sino ang may kasalanan ng lahat.

Ano kaya ang maaaring mangyari?

"Ang weird talaga ng babaeng yan." Rinig kong sabi ng babae. (Girl 1)

"Tama ka, parang ayaw niyang ipaagaw ang mesa niya. Laging naka-nap sa mesa niya, ignorante ata ng mesa eh."

Matapos ay nagsitawanan na silang lahat.

"Hayaan niyo na. Siguro nga totoo ang sinabi ni Kattie na mahirap siya kaya inaalagaan niya ang mesa niya, dahil sa oras na masira niya 'yan, malaki ang ibabayad niya" Sabi nung isa pang babae.

"*scoff* Liar talaga!!" Sagot naman nung isa pang maldita.

Sinasadya ba nilang lakasan ang boses nila? Actually, hindi ako pumapatol pero sa ngayon, parang sumusobra na sila. Agad naman akong napatayo saka inayos ang salamin ko.

"Oh, gising na siya." Sabi nung parang lider nila.

Bigla ko naman silang binigyan ng dead-look. Napansin ko namang, natakot sila? Aba! Mabuti lang pala sila sa satsat eh. Nilapitan ko silang tatlo at tumayo sa harap nung lider nila.

Nakapalibot kasi sila sa isang table.

Pagkatapos ay sinira ko ang mesa niya gamit ang kanan kong kamay. Dahil dun, nahati ang mesa at ngayo'y nakalatag na sa sahig.

Nakita ko naman, nagulat sila sa ginawa ko. Nakakatawa nga ang mukha nila eh. Kaso di ko alam kung pano tumawa.

Lahat ng classmates ko nakatingin sakin.

Tiningnan ko na naman sila ng masama. Saka ay inilapag ko ang 20,000. Nabasa ko kasi na 5000 ang ibabayad pag nakasira ng mesa o upuan.

"Pambayad mo. Sayo na ang sobra." Anas ko saka ay kunwaring nililinis ko ang kamay ko.

Agad naman akong lumabas sa classroom na 'yon.

Shenny Go's POV

"Pambayad mo. Sayo na ang sobra!" Sabi ni Krissy saka ay nilinis ang kamay niya.

"Ooh, ang cool niya." Sabi ko kay kuya.

"Yep. Madadagdagan na naman ang trabaho ni Mommy." Sagot naman ni kuya.

Tama nga si Kuya, Kailangan na niya namang ipaayos 'yon at kausapin si Krissy at ang parents nung mga babaeng 'yon. Tsk, mga pasaway talaga ang estudyante dito.

PA (Public Announcement):

Ipinaalam po sa lahat ng mag-aaral sa Royal School na magaganap na ang Royal Game next week. Lahat ng mga instructions and procedures sa pagsali ay makikita sa bulletin board. Again.-- blah-- blah--blahh!

Lahat naman kami sa loob ng room ay nakikinig lamang sa announcement kaya tahimik. Ngunit nung matapos na ang announcement, nagsigawan na ang lahat.

"YEAH TOP BOYS, WE WILL ROCK IT!" Sigaw naman ni Sean.

"Baka nakakalimutan niyo, kasali ako sainyo." Singit ko sa kasiyahan nila.

"Naks naman Shenny, find friends naman." Ryan said. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Hayaan niyo na, depende sa rules. Kung ilan ang bawat grupo." Pagpapatahimik ni kuya.

"Ibig sabihin, ako ang unang pick ninyong umalis kung tig-li-lima lang ang group?" tanong ko.

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon