Shadow Of Tears:[Part 43.2]

401 165 16
                                    


Chapter 43.2

Nakatayo lamang ako sa harap niya habang itinututok ang baril.

'Gawin mo Krissy. Iputok mo.' ~ Hindi, hindi ko kaya.

'Alalahanin mo ang nangyari sa mga magulang mo.'~ Kahit na, hindi ako mamamatay tao.

'Bilisan mo na!'

"Daddy!" Isang boses na nagmumula sa likuran ko.

Kilala ko siya. Alam kong, si Tyson 'yon.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa baril na 'to. Nakikita ko naman ang takot sa mukha ni Ronnie Go.

"Daddy!" Isang boses na naman ang narinig ko mula sa likuran. Si Shenny. Ang mga Go, nandito.

Napapikit naman ako at nabuo ang desisyon sa isipan ko.

Aktong ibababa ko na ang baril nang bigla nalang napaatras si Ronnie Go at napabalikwas sa sementong nakaharang.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Hindi pwede.

"Daddy?"

Agad naman akong napalapit sa rail ng rooftop na 'to.

Nakita ko naman si Ronnie Go na sinisikapang makahawak sa semento.

Bigla naman siyang napatingin sakin. Isang tinging nakakapagtaka. Bigla niya akong nginitian. Isang ngiting alam kong totohanan.

Naggagawa niya pang ngumiti sakin kahit na tinangka ko siyang patayin.

"Tulungan niyo si Daddy!" Rinig kong sigaw ni Ty. Nandito na ata ang ibang guards nila.

Nabigla naman ako nang biglang bumitaw si Ronnie Go. At sa 'di malamang dahilan, agad kong inabot ang kamay niya.

Bigla naman siyang napatingin sakin na may pagtataka.

Tinulungan ko siya.



Dahan-dahan ko naman siyang inangat nang, "Ahhh!" Ungol ko nang biglang tumama ang isang bala sa kanan kong balikat.

Nararamdaman ko na ang sakit sa kanang balikat ko.

Subalit, patuloy parin ako sa paghila kay Ronnie Go. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Kung bakit ko siya tinutulungan. Hindi ko talaga alam.

Bigla namang umagos ang dugo mula balikat ko tungo sa buong braso't kamay ko.

Nagulat naman si Ronnie Go sa nakita niyang dugo mula sa sugat ko. Pero, pilit ko parin siyang tinulungan. Hanggang sa, mailigtas ko na siya.

At bigla nalang nagblack-out ang lahat.


Tyson Go's POV

Isang bala ng baril ang tumama mula sa likod ng babaeng tumulong kay daddy.

Agad naman akong napalapit nang makita ko si daddy. Ligtas siya.

Teka, niligtas siya ng babaeng 'to? Napatingin naman ako sa babaeng nakadapa sa sahig. 'Di ko makita ang mukha niya, sa kabilang direksiyon kasi nakabaling ang ulo niya.

Lumapit rin naman ang mga tauhan ni daddy at aktong bubuhatin na niya ang babaeng 'yon nang pinigilan ko sila.

Bigla ko kasing napansin na nakasuot pala siya ng mask.

Teka, parang pamilyar siya sakin.

Napa-isip naman ako at nagulat sa nabuong idea sa utak ko.

Guradian angel? Si Guardian Angel.

Agad akong napalapit sa babaeng nakahandusay at walang malay. Sinuri ko ang mukha at buhok niya. Siya nga, siya nga 'yong Guardian angel ko.

Napatigil ako bigla nang mapatutok ako sa mask na suot niya.

Sino nga ba ang taong nasa likod ng maskara na 'to?

Dahan-dahan ko namang inabot ang suot niyang maskara.

Kaunti nalang at maaabot ko na ang maskara niya.

Kaunti nalang talaga.





Malapit na.




Naabot ko na.




Kinakabahan ako habang dahn-dahan kong tinanggal ang mask nang, biglang nanlaki ang mga mata ko nang natanggal ko na ang mask na suot niya.


Halos 'di ako makapaniwala.



"Krissy?"



To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon