Shadow Of Tears:[Part 50]

396 154 9
                                    

Chapter 50

Third Person's POV

Kasalukuyang nakatanaw si Kacey sa kambal nito habang nagp-prepare. Katatapos lang ni Stacey sa pagbihis ng damit nitong kulay itim. Dahan-dahan nitong sinuklay ang buhok. Matapos ay agad na humarap kay Kacey.

"Everything will be fine." Sabi ni Stacey bago isinuot ang maskarang itim nito. Saka ay hinawakan ang dalawang kamay ni Kacey.

Bakas sa mukha ni Kacey ang pag-aalala.

"Babalikan mo 'ko Stacey. Babalik ka." Naiiyak na usal ni Kacey. Tumango naman si Stacey at agad na binitawan ang kamay ni Kacey at tuluyan ng umalis.

Ito na nga ang hinihintay ng lahat. Ito na ang magiging katapusan.

Sa kabilang banda naman ay ang mga Go.

Kasalukuyang nakatanaw si Shenny sa Kuya nito habang tinitira ang mga targets ng baril.

Habang si Tyson naman ay abala sa pagtitira ng bawat target. Lahat ng numbers ay natamaan  niya. From 10 to 2 at last nalang, ang number one.

Naalala naman ni Tyson ang mga salitang sinabi ni Krissy sakanya.

'Kung mahal mo 'ko, patunayan mo.'

Dahan-dahan namang ipinikit ni Tyson ang kaliwa niyang mata. At dahan-dahang kinablit ang baril at kumawala ang bala mula sa baril na 'yon at viola, natamaan niya ang number 1.

Agad naman siyang napatanaw sa target board. Saka ay napabuntong hininga.

"Papatunayan ko."

Sa kabilang dako naman ay ang mga Davinson.

Kasalukuyang nakaharap si Krissy sa salamin. Nakatutok lamang ito sa sarili niyang repleksiyon. Bigla siyang napatingin sa litrato ng pamilya niya noong mga bata pa sila. Napahawak naman siya sa frame na 'yon.

Shone? Nasaan ka na ba ngayon? 'Yon ang nasa isipan ni Krissy. At ang tanging naaalala niya na lamang ay ang araw na puno mg apoy ang paligid nila at niyayakap siya nito at pinapakalm ng kuya niya.

Flashback.

"It's okay Krissy." Anas ng Kuya Shone nito sakanya. Medyo nahihilo pa siya sa mga oras na 'yon dahil sa pagkakasapak sakanya ng baril. Ngumiti parin si Krissy at hinawakan ang pisngi ni Shone.

"Kuya." Mahinang anas ni Krissy at agad na hinubad ang kwintas na suot nito saka ay ipinasuot sa kuya niya.

"Thank you Kuya, mahal na mahak kita. 'Wag mo akong kalimutan ha?" 'Yon ang mga huling salitang nasabi ni Krissy sa Kuya nito nang biglang dinampot si Shone ng mga 'di kilalang mga tao.

End of flashback.

Agad namang napukaw si Krissy nang mapatingin siya sa isang maliit na jewelry box. Muli ay tiningnan niya ang nasa loob nito. Ang Hairpin na ibinigay ni Tyson. Napabuntong hininga naman siya.

Ayon naman si Shone, nakatanaw sa labas ng kwarto niya. Malalim ang iniisip. Maya-maya naman ay napayuko ito at napakamot sa ulo at sinundan ng buntong hininga.

Lahat sila ay handa na. Handa na silang harapin ang lahat. Gaano man ito kalabag sa loob nila, wala silang magagawa.

~❤~

Ronnie Go's POV

"Mag-iingat ka." Paalala ni Kim sakin bago paman ako makapasok sa loob ng kotse.

Tumango naman ako.

Agad na akong pumasok at umalis. Ngayon kasi ang death anniversary ni Reena. Taon-taon akong bumibisita sa puntod niya.

Hindi ko alam pero ang sama ng kutob ko. Kinakabahan ako. Napabuntong hininga naman ako para pakalmahin ang sarili ko.

Tahimik lamang ako't nakatanaw sa kawalan. Mahaba-haba ang b-byahiin ko nito. Medyo malayo kasi.

Malayo-layo narin ang narating namin. Nasa isang napakatahimik at 'di mataong lugar na kami ngayon.

Bigla naman akong kinabahan. Teka, bakit ba parang sasabog na ang puso ko? Nabigla naman ako nang huminto ang kotse na muntikan ko ng ikaub-ob sa sahig ng kotse.

Napatingin naman ako sa harap. Nakita ko namang pinapawisan ang driver ko. Napatingin naman ako sa harap ng kotse.


Nakita ko naman ang kumpol ng mga karnero na tumatawid sa kalsada. Napabuntong hininga naman ako.

Akala ko kung ano na. Matapos nun ay tuloy-tuloy na ang biyahe namin. Ligtas akong nakarating sa destinasyon ko. Masyado akong nadala sa emosiyon at hindi ko na napansin ang oras.

Mag-gagabi na pala.


Agad naman akong nagtungo sa kotse ko. Saka ay ipinaandar na ang kotse. Agad na kaming umalis ng driver ko.

Ganun parin naman, tahimik lamang ako at nakatingin sa kawalan. Muling bumabalik ang mga alaala.

Flashback.

"Ano?" Alala kong tanong kay Reena. Napatawag kasi siya bigla.

"Ronnie please, kunin mo ang bata. Iligtas mo siya. Please Roonie, please. Wala ng oras!" Taranta niyang sigaw sa kabilang linya. Napakagulo sa linya niya at halatang-halata na siya ay nagmamaneho.

"Reena, kumalma ka." Mahinahon kong sabi.

"No Ronnie, papunta na sila sa kinaroroonan ng bata. Pakiusap, iligtas mo siya."

"Paano ko ba siya makikilala?" Tanong ko.

"May kwintas siyang suot. Naaalala mo ba ang binigay mo sakin? Makikilala mo~" Hindi niya natapos ang sasabihin niya. At narinig ko na lamang ang maingay na bungguan.

"Reena? Reena!" Sigaw ko. Ngunit 'di na siya sumasagot.

Ano bang nangyari? Agad ko namang binaba ang tawag. Agad ko ng tinawag ang secretary ko at inutusang iligtas ang batang 'yon. Sinabi ko na lahat ng detalye sa secretary ko.

End of flashback.

Napabuntong hininga naman ako. Matapos nun ay nailigtas ko nga ang bata. Isang batang lalake na suot-suot ang kwintas ni Reena. Ngunit, naaksidente ang kotseng sinasakyan nila. Dalawa sila ng secretary ko ang sakay at nasa kritikal na kondisyon ang batang 'yon noon. Kinabukasan nun ay nabalitaan kong naaksidente pala si Reena noong kausap ko siya.

Gumaling naman ang batang 'yon subalit wala na siyang maalala kahit na isang bagay at pangyayari sa pinagmulan niya.

Kaya't tumira siya kasama kaming dalawa ni Kim. Hanggang sa lumaki siya, kasama parin namin ang batang 'yon. Napakamabuti niyang anak, Tyson anak, sana'y 'di mo 'ko pagkamuhian pag naalala mo na ang lahat.

Bigla akong natauhan nang mapansin kong may kotseng nakasunod samin. Teka, kanina ko pa siya napapansin na nakasunod samin.

Bigla naman akong kinabahan nang bigla ko nalang namataan ang isang kotseng napakalakas ng takbo at patungo sa direksiyon namin, sasalubong siya samin.

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon