Shadow Of Tears:[Part 46]

385 154 21
                                    

Chapter 46

Kenny Zee's POV

"Ganyan mo ba kagusto ang ulan? Tsh. Magkakasakit ka niyan." Anas ko nang mapayungan ko na si Ate Kendice. Kanina ko pa sila pinagmamasdan. Narinig ko.nga lahat eh.

Napatingin naman siya sakin ng may pagtataka. Lumuluha nga ang mga mata niya. Napapansin ko 'yon kahit na basang-basa na siya ng ulan.

Bigla niya namang sinapak ang hawak kong payong kaya nahulog 'yon sa lupa.

"Teka~" Anas ko nang tinapakan niya ang payong. Sinira niya ang payong ko.

"Tanging mahihinang tao lamang ang takot sa ulan." Anas niya. Napakaseryoso niya nga. Heto naman ako, basang-basa narin ng ulan.

Aktong tatalikuran na ako ni Ate Kendice kaya'y hinila ko siya pabalik saka ay kinaladkad siya.

"Teka, ano ba!" Sigaw niya at nagpupumiglas siya ngunit 'di ako nagpadala. Kinaladkad ko parin siya. Ang lakas nga niya eh.

Pero 'di ko siya binitawan. Basang-basa kaming dalawa ng ulan nang makarating sa isang coffee shop.

"A-ano bang ginagawa natin dito?" Tanong niya sakin. Hindi ko na siya sinagot kundi hinila na lamang siya papasok. Napatingin nga ang mga tao dito samin eh, kasi nga basang-basa kami.

Tumungo naman kami sa isang vacant table.

"Saglit lang Ate Kendice." Paalam ko sakanya at nagtungo na sa counter. Agad na akong nag-order ng dalawang capuccino.

Matapos kong makuha ang order ko, agad na akong tumalikod at ang mukha ni Ate Kendice ang agad na bumungad sakin. Ngunit nagtaka ako sa itsura niya.

Para siyang natataranta. Napapatakip siya sa tenga niya. Teka, ano bang nangyayari sakanya? Agad naman akong tumakbo palapit sakanya.




Kendice Davinson's POV


Agad ng nagpaalam si Kenny sakin at nagtungo sa counter. Napabuntong hininga naman ako. Ewan ko ba kung paano niya ako nakaladkad dito.

Napayakap naman ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng lamig. Basang-basa kasi ako sa ulan. Napasuri naman ako sa paligid nang bigla kong namataan ang isang batang babae na may birthday hat na suot sa ulo nito. Bigla namang nabuo ang isamg imahe sa utak ko.

Nakikita ko ang sarili ko noong mga nakaraang taon. Maya-maya ay bumungad na naman sa paningin ko ang isang birthday cake.

'Daddy!'

Bigka kong naalala  ang pagputok ng baril. Ang dugong bumalot sa cake ko. Bigla namang sumakit ang ulo ko. "Ah," Bumabalik lahat ng mga alaalang iyon. "Aaaaah," Sigaw ko na naman nang pabalikbalik ang tunog ng baril sa isipan ko.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Natataranta na ako. Inaatake na naman ako ng trauma ko.

'Daddy!' / 'Mommy!' / 'Krissy!' / 'Shone, SHONE!'/

"Ate Kendice?" Ah, naaalala ko na naman ang mga pangyayaring 'yon. Sumasakit ang ulo ko.

"Ate Kendice!" Bigla akong nagising sa tawag sakin. Saka ay, agad akong napayakap sa taong 'yon.

Hindi ko alam pero biglang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Bigla akong natakot. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa taong gumising sakin mula sa masamang pangitain na 'yon.

Naramdaman ko naman ang paghimas niya sa buhok ko.

"Okay lang, nandito ako." Anas niya na mas lalo pa akong napaiyak. Naalala ko si Daddy. 'Yon ang laging sinasabi ni Daddy sakin sa tuwing natatakot ako.


Sadyang nawala ako sa sarili ko ngayon, dahil sa masamang alaala na 'yon.


To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon