THE WEIGHT OF SILENCE

107 2 13
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter twenty six
⇉ demon march arc

N A H A T A D E L A I D E I N

Umuulan na naman sa Nevernight City.

Walang bago — maingay pa rin ang mga sasakyan, mga ilaw ng poste kumikintab sa basa'ng daan, at mga taong nagmamadaling umuwi. Pero sa gitna ng lahat ng normal na 'yon, ako lang 'yung parang hindi na nababagay dito.

'Yung gabing umalis ako sa DOD... parang pelikula. Tahimik lang lahat. Walang pumigil, walang nagsalita. Ramdam ko lang 'yung mga tingin nila habang naglalakad ako palayo.

Si Achexen, huling tumingin. Hindi siya kumibo. Pero alam ko, gets niya. Kasi minsan, 'yung katahimikan, mas malakas pa sa kahit anong salita.

Nang makalayo ako, nakikita ko pa 'yung ilaw ng kainan sa kanto. Maliit 'yung ilaw at malamig 'yung hangin. Nakakatawa — normal ang lahat, pero ako, parang nauupos na kandila.

Ilang araw bago ako bumalik sa bahay ni Sahran simula nang bumalik din ako pagkatapos magpakita sa AG para maghanap ng lead sa pagkawala ni Utol. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto ko rin silang kausapin ng maayos pero hindi ko pa kaya dahil alam kong bibigay lang ako. Kaya nagpakita ako roon na may tama para kahit papaano ay off ang character na makikita nila lalong lalo na si Achexen.

Nagpakawala ako ng buntonghininga

Nang dumating ako sa kwarto ko sa mansion ni Sahran, isa lang din ang napansin ko. Tahimik sa loob. Wala siyang binago mula nung huli akong nandito — malinis, pero puno ng papel at mapa ang dinning table. Panis. Parang ako rin: maayos sa labas, magulo sa loob.

Nakatulala ako sa bulletin board, puro larawan at mga report tungkol sa paghahanap kay Achilles. Lahat ng markang 'yon, puro wala. Lahat ng lugar, pinuntahan ko na. Wala pa rin siya.

"You're pushing yourself too hard again."
Boses ni Sahran galing sa gilid ko.

Hindi ako lumingon. "I can't stop, Sahran. You know I can't."

Alam niya, eh. Alam niyang sa ilang araw na nawala ako ay wala pa rin akong tigil sa paghahanap kay Utol.

Lumapit siya sa tabi ko, hawak 'yung isang basang papel na hindi ko na napansin.
"You know, Jass... even fire needs to rest. It dies when it burns too much."

Napatawa ako nang mahina. "Then let me die burning."

Tumingin siya sa akin. Hindi ko man nakita, ramdam ko 'yung lungkot sa mga mata niya. "You're not meant to die, Jass. You're meant for something big."

Tahimik ako. Tinitigan ko lang 'yung mapa. "I just want my brother back."

"We'll find him," sabi niya. "Tutulong ako. You have me, maasahan mo rin ako rito."

Tumango ako, pero wala akong sinabi. Kasi totoo 'yon — si Sahran, siya 'yung kalmadong hangin habang ako 'yung apoy na di marunong tumigil sa ngayon.

Tangina, hindi ko alam paano ako napunta sa sitwasyon na ito. Hindi ko na dapat pinuproblema si Utol pero hindi ko maiwasang mag-isip nang mag-isip dahil kakaiba ang pakiramdam ko rito.

Fuck.

Naligo ako at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto, narinig ko pa rin 'yung ulan. Hindi na ako natulog. Hindi ko rin alam kung kailan ako huling nakapahinga. Ang daming kailangang puntahan, ang daming dapat gawin.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon