NOT THE MASTER, BUT A SLAVE OF OUR LIFE

157 5 16
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter twenty four
⇉ demon march arc

path of hell | nevernight city

P E T O X E R A C A S T E V E R O N

Hating gabi kaming dumating sa POH kung saan doon naninirahan panandalian si Achilles kasama si Sandra simula no'ng nag-take over si Achilles.

Na sa office kaming lahat ni Achilles. Si Sandra, si Cassandra, Si Grettle at Asasen, ang gang ni Jass at mismong si Walter ay nandito.

The room fell silent.

Walang gusto umimik sa aming lahat. Parang binagsakan ng langit ang expression nina Hiroshi at Greg.

Wala si CaLi dahil nasa labas pa rin 'yon ng bansa.

Mukha silang basang sisiw. Hindi naman umulan sa labas pero sa itsura nila para silang naligo sa ulan.

Pawis. Pawis lang siguro.

Binasag ni Sandra ang katahimikan na bumabalot sa aming lahat. Hawak-hawak ni Sandra ang maliit niyang tiyan habang nagtatanong ito sa nakakatanda niyang kapatid. Maririnig sa boses nito ang pangamba at pag-aalala na hindi maiwasan dahil sa katayuan ni Sandra sa buhay ni Achilles.

Sa aming lahat, higit na naaapektuhan si Sandra ngayon sa nangyayari. Kung tutuosin ay ang mga ganitong sitwasyon ay dapat hindi na pinapaalam kay Sandra para hindi na ito ma-stress sa mga bagay-bagay lalo na't buntis siya at first time pa naman ito.

"What happened, Kuya? Where's Achilles?" Dalawang magkasunod na tanong ni Sandra kay Greg na mukhang hindi mapakali sa kina-uupuan nito.

Parehas silang lutang ni Hiroshi. Parehas pa silang nakatitig lang sa sahig simula nang dumating kami rito. Maski paghinga nilang dalawa ay sabay pa, halatang hindi rin nila alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

".. Kuya?" Muling tawag ni Sandra kay Greg pero hindi man lang ito gumalaw.

Lahat kami ay naghihintay ng kasagutan kung ano ba talaga ang nangyari at bakit sila bumalik na hindi kasama si Achilles.

"Kuya!" Umiiyak na si Sandra. Tumaas na rin ang boses nito kaya nahila pabalik sa reyalidad si Greg na ngayon ay halatang-halata na wala sa matinong pag-iisip ito ngayon.

". . Sandra," lumunok si Greg. ". . Hindi ko alam, Sandra. I'm sorry. It happened so quickly."

"What?!" Tumayo si Sandra, "You what? You were with Achilles, Kuya! Why are you apologising to me!" The conyo queen spoke straight english out of uncontrollable emotion.

Umiling si Greg, "Sandr—, Sis, huwag ngayo—"

"No! I need to know where Achilles is! You are supposed to comeback with him!" Sigaw ni Sandra kaya tumayo na si Cass para alalayan ito.

"Dahan-dahan lang." Bulong ni Cass sa kambal niya.

Si Greg ay napahilamos na lang nagpakawala ng buntong hininga.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon