Shall We Call A Lantern A Lantern Without Its Chimney?

190 10 5
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter eighteen
⇉ underworld society arc

N A H A T  A D E L A I D E I N

Habang na sa daan ako, hindi ko mapigilan mag-isip nang mag-isip sa nangyayari sa paligid ko. Kung dati kaya ko pang tawanan ang nagaganap, ngayon ay mukhang pati pag-ngisi na lang ay labag pa sa loob ko.

Inang buhay 'to, akala ko ay tatagal ang interest ko sa katauhan ni Aizen pero mukhang wala siyang pinagkaiba sa ate niya.

Bigla na lang ako natawa out of frustration pagkatapos kong maalala na ang dahilan kaya hindi sinabi agad ni Aizen sa akin ang kinakalagyan ng card niya ay dahil ayaw niyang masaktan ang taong may hawak sa card niya.

Saan kumukuha ng lakas ng loob si Aizen i-defend ang ibang tao sa akin na nag-offer ng kamay sa kaniya na kusa? Siguro iba lang ang way ng mga Royal Blood na ito.

Hindi ko maintindihan sa ngayon pero pag narinig ko ang side ng taong hahanapin ko ay baka sakaling mabigyan ako ng maayos na paliwanag.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.

Hindi banayad ang takbo ng sasakyan ko. Rumaragasa ang hangin na tumatama sa mukha ko dahil sa bukas na window ni Midnight. Wala akong marinig kundi ang ingay ng hangin dahil pinatay ko ang musika dahil sumasakit ang ulo ko.

Kahit anong kalma ang gawin ko ay kumikirot lang ang bawat ugat sa utak ko kaya mas pinili ko na lang inisin lalo ang sarili ko.

Tatanda ako ng maaga nito. Masyado na akong binibigyan ng maraming isipin. Fucking shit, parang bago naman ito sa akin. Kailan pa naging madali ang buhay ko?

Ah, 'yong mga panahon na dumating si Walter sa buhay ko tapos ngayon na lumapit na sa akin si Walter ng tuluyan, nadadamay na rin siya sa mga nagaganap sa akin.

Sumpa talaga.

Umiling ako at nag-focus sa daan. Sobrang bilis ng takbo pero nagawa ko pang pansinin na ang nasa unahan na sasakyan ay mukhang pamilyar sa akin. Sobrang bilis rin ng takbo nito kaya hindi ko maunahan ng literal. Nang magtangka akong mag-overtake, bigla na siya huminto sa gitna ng kalsada na siyang dahilan upang mapamura ako ng malakas at minanipula ang manibela ni Midnight na iwasan ang sasakyan niya pero nasagi ko pa rin ito.

Tangina.

Nag-park ako sa gilid ng kalsada.

Nahilot ko na lang ang sintido ko sa frustration ko. Badtrip ang inang 'yan. Nagmamadali na nga ako tapos malalagay pa ako sa sitwasyon na kung saan galing. Sinasadya ba ito? Alam ng gumawa sa akin na maiksi ang pasensya ko tapos ilalagay pa ako rito?

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Maliban sa nagmamadali ay nabangasan pa si Midnight sa lala ng driver ng sasakyan na sa harap ko.

Ayokong gamitin ang kamay ko ngayon na banas na banas ako. Huminga ako ng malalim, literal na paulit-ulit hanggang sa maramdaman ko ang presensya ng panibagong tao na sumilip sa window ni Midnight kaya nilingon ko ito.

God forbid, mas lalong nadagdagan ang banas ko pagkatapos kong makilala ang katauhan nito.

"Your Highness," casual na sambit ko sa tawag ng nakararami sa kaniya.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon