WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter twenty one
⇉ demon march arc
second part
N A H A T A D E L A I D E I N
"Bale, gano'n ka kasiguradong itutuloy mo itong plano mo na walang sinasabi kahit sa boyfriend mo man lang?" Tanong sa akin ni Krishtal na may lollipop pa sa labi.
Bumalik ako sa tabing dagat pagkatapos umalis ni Sahran para makipagkita kay Achexen. Walang akong expectation kay Sahran kung anong palusot ang ibibigay niya kay Achexen pero alam ko sa sarili kong desidido akong isagawa ang lahat na malayo sa kanila.
"Balita ko pasukan niyo na rin last week, Jass. Mag-stop ka na rin ba sa pag-aaral?" Si Mauie naman ito.
May kung anong kirot sa puso sa narinig ko. Mag-isa si Walter na pumasok kung gano'n pero sa tingin ko hindi naman papabayaan ng kambal si Walter dahil belong na rin si Walter sa circle of friends na meron ako ngayon.
Nagkibit balikat lang ako tsaka sumagot. "Alll for their own sake." Maiksing sagot ko tsaka ako tumayo at nag-unat.
Nagtaka sa akin ang dalawa, si Krishtal at Mauie pero hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin pa.
"May lakad ka pa ba, Jass?" Tanong naman sa akin ni Aki.
"May dadalawin lang ako."
Nangunot ang noo ni Krishtal, "Pagabi na rin, Jass. Sino sa mga yumao ang dadalawin mo?" Tanong niya.
Medyo natawa pa ako sa word na ginamit niya.
"Si Hendrix." Maiksing sagot ko.
Ngumiti sa akin si Aki, "Mag-iingat ka kung gano'n." At doon natapos ang usapan naming apat dahil pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit at naligo.
Nakasuot ako ng puting plain t-shirt at trouser na khaki. Hinayaan ko lang ang buhok kong lumadlad. Nagdala na rin ako ng jacket since gabi na rin naman at mukhang uulan pa. Nagmadali na lang akong umalis para mabilis din akong makarating. Wala akong idea kung saan banda ang humimlay si Hendrix kaya pagkatapos kong bumaba kay Midnight dahil nga dumating na rin ako, bumili ako ng bulaklak, inumin at kandila tsaka ko inisa-isa ang mga puntod.
Nakalimutan kong may kaya ang pamilya nila Hendrix.
Natampal ko na lang ang noo ko.
Laking pasasalamat ko nang bigla akong napadpad sa mismong harap ng family mausoleum ng mga Greenville. Pinatuloy ako sa loob ng caretaker nito at hinatid kung saan nandoon talaga si Hendrix.
Simple lang ang sa loob nito, white lahat. Nandito ako sa mismong harap ng coffin ni Hendrix. May lapida naman ito at malaking portrait sa gilid. Sobrang linis. Sa magkasunod sa kanan ni Hendrix ay sa parents niya.
Umupo ako sa lapag, sa mismong harap ng kabaong at nilagay dito ang bulaklak na dala ko. Sinindihan ko na rin ang kandila at binuksan ang beer in can na dala ko.
No'ng all set na, tsaka ko naramdaman ang bigat ng lahat.
Tumikhim ako at napakamot ng ulo.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
De Todo❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
