WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter twenty seven
⇉ demon march arc
P E T O X E R A C A S T E V E R O N
Two days.
Dalawang araw na simula no'ng dinala si Jass sa hospital dahil sa disgrasya na hindi rin namin alam ang dahilan. Well, alam ko namang may mali kaya nagkaroon ng disgrasya pero kung iisipin, si Jass itong pinag-uusapan dito. Walang mas maingat magmanahe sa aming lahat maliban kay Jass sa kahit na anong sitwasyon. Nakakapagtaka lang na ngayon ay nandoon si Jass sa hospital, sobrang daming nakakabit na aparato dahil sa tinamo niyang impact sa pagkawala niya ng kontrol sa manibela ni Midnight.
Speaking of Midnight, hindi na ito makilala. Hindi ko alam anong magiging reaksyon ni Jass dito. Lalo na sa mas malaking kakaharapin ni Jass pag gising niya.
Sinabi sa akin ng doctor na may hawak kay Jass na hindi pa alam kung kailan ito magigising. Sa ngayon ay temporary comatose ito pa ito which is hindi ko alam kung pabor ba sa akin o hindi.
Sa nangyari ngayon kay Achilles, hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang makikita ko this time kay Jass.
That being said, naka-upo ako sa tabi ni Sandra na tulala habang nakatitig sa urn ni Achilles sa dulo ng altar. Sobrang lamlam ng mata nito dahil sa pag-iyak. Magang-maga ang dapat na salita. Walang ayos at sobrang gulo ng buhok nito. Walang pag-asikaso sa sarili at pirmi ang hawak sa kaniyang sinapupunan.
Nandito kami ngayon sa isang malaking chapel kung saan ginanap ang wake ni Achilles. Kung hindi dahil sa request ni Sandra na ilibing si Achilles sa tabi ng mga magulang nito ay baka mga Royal Blood na ang umasikaso ng lahat at sa libingan nila ilagay si Achilles.
Gayun pa man, minabuti ng Suzerain na respetuhin ang paki-usap ni Sandra. May apo rin ang Suzerain sa sinapupunan ni Sandra na kinagulat din ng lahat. Maraming nandito, actually. Lahat ng bigating tao sa underworld society ay nandito.
Ang mga mafia boss, ang mga kanang-kamay nila, ang mga gang leader, nobility and even the royal bloods are all here to pay their respects.
Sa ngayon, ang tanging bantay ni Jass sa hospital ay si Green. Nandito ang iba sa kanila para tumulong at mag-asikaso sa mga bisitang dumadating. Si Blacksin ay nandito rin. Ang dalawang Veroca ay pinatawag ng Suzerain at pinag-report kung ano ba talaga ang nagaganap at bakit nauwi sa ganito ang lahat.
Ang Crown Princess ay dumaan na rin dito pati ang mga kapatid at pamilya nito. Sa ngayon, ang natira na lang ay ang mga Mafia Boss at ibang mga kakilala.
"You know," Sandra started, her voice trembling just enough to show the pain beneath, "this kid—this baby—almost didn't make it. I almost lost him because of everything that happened."
Dahil sa boses na 'yon ni Sandra ay napunta sa kaniya ang atensyon ko. Hindi na ito conyo, straight english na. Patunay na ang sakit na raramdaman nito ay hindi na kayang tansyahin.
Sobrang maselan ni Sandra ngayon, first ever child tapos ang mga pronlema ay patong-patong. Sa hindi inaasahan, sa akin lang siya komportable. Hindi ko naman siya binigo, kung may kailangan siya sa akin ay binibigay ko. After all, magkaibigan kami at ang dinadala ni Sandra ay pamangkin ni Jass. Pamangkin ko na rin kung tutuosin.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
Random❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
