A STORM LOATHE BY THE RAINBOW

129 4 4
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter twenty three
⇉ demon march arc

Den of Devils | Anonymous Gang H.O

"Still no news from Jass, huh?" Everyone understands Jinling Blacksin's concern for their trouble magnet leader, Jass Callenreese.

Kulang ang Anonymous Gang dahil wala rito ang ulo ng kanilang samahan.

Lahat sila ay nakatayo sa harap ng malaking white board kung saan naka-dikit ang mga impormasyon at mga litrato na posibleng maging dahilan para mahanap nila si Jass.

Ang pinakadulo ay litrato kung saan huling nakita ang sasakyan ni Jass. Sa cafè kung saan nag-stop noon si Jass at ang Crown Princess.

Sumunod ang litrato kung saan dumalaw si Jass sa cemetery para magpakita kay Hendrix at sa puntod ng unang nag-adopt kay Jass.

Ang sunod na litrato ay sinunog ni Jass na maliit na bahay sa gilid ng dagat kung saan huli itong nakita ni Walter pero kahit isang salita ay walang nilabas si Walter patungkol dito.

Nakalagay na rin sa white board ang lahat ng lugar na puwedeng puntahan ni Jass. Pinuntahan nila ito lahat pero kahit anino man lang ni Jass ay hindi nila nasaktuhan.

"Sa tingin ko, hindi na talaga magpapakita ei Head." Mahinang sabi ni Cole habang nakatitig din ito sa mga impormasyon na hawak nila.

"No'ng huling nawala bigla si Head ay bumabalik pa siya sa atin kahit saglit lang pero ngayon, kahit anino niya hindi na nagpakita." Umupo si Sin sa sofa at sumadal dito.

"Huwag muna kayong mag-isip ng ganyan. Alalahanin niyong si Jass itong pinag-uusapan natin. Hindi natin alam ang susunod niyang galaw, baka sa sunod sa harap na natin siya bigla." Si Sky naman ito sabay buga sa paubos niyang sigarilyo.

Umakbay si Green kay Sky, "Kaya kahit anong pag-alala ko kay Head kumakalma pa rin ako. Alam ko rin kasi na kahit saan siya mapadpad, hindi niya rin papabayaan ang sarili niya." Gatong ni Green sa sinabi ni Sky.

Kunot pa rin ang noo ni Blacksin dahil sa kaniyang narinig. Bunsong kapatid ang trato ni Blacksin sa leader ng gang nila. Hindi mawawala ang pag-aalala rito ni Blacksin kahit alam ni Blacksin na kayang-kaya ni Jass lagpasan kung ano man ang nag-udyok kay Jass na mag-mistulang bula sa kanilang lahat.

"How about Mr. Baltimorè? Is he doing good?" Tanong ni Blacksin kay Green na siyang inatasan ni Blacksin na magbantay kay Walter Baltimorè.

"Gano'n pa rin siya, Jin. Kung dati nagsasalita pa siya, ngayon halos hindi ko na siya narinig magsalita simula no'ng insidente. Naawa na rin ako kay Pareng Walter pero kahit tayo, wala pa ring magawa." Si Green.

Tumango si Blacksin dito, "Just keep on watching him. Don't let him be in danger." Command ni Blacksin na agad ding sinaliduhan ni Green.

"Yes, sir!"

"Ano ba kasing ginawa ng mga Royal Blood! Akala ko ba sila ang makapangyarihan sa lugar na ito?" Busangot ang mukha na reklamo ni Cole.

"Engot! Royal Blood vs. Tayong mga hampas lupa ang laban kung hindi mo lang alam." Singhal ni Sin kay Cole.

Nangunot ang noo ni Cole dahil dito.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon