IT SHOULD BE LIKE THIS

707 49 11
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter nineteen
⇉ demon march arc

The night Jass and the gang stepped on NeverNight City, Achilles Callenreese requested an audience about what happened in Laczjar City.

Si Achexen kasama ang gang ni Jass ay nagtungo mismo sa Path of Hell pagkatapos nilang ihatid sa Den of Devils ang mga lalaking dinala nila para pakantahin ni Rouge.

Na sa office silang lahat ni Achilles na bagong Mafia Lord ng POH kasama si Greg Zircon Laurent at si Hiroshi Umazaki. Si CaLi ay sa labas pa rin ito ng bansa kaya hindi kasama sa kanila ngayon.

Nakatayo si Greg sa tabi ni Achilles habang si Hiroshi ay nakatayo sa sulok habang nakasandal sa dingding sa tabi ng bintana dahil naninigarilyo ito.

Si Achexen at Blacksin kasama ang buong member ng Anonymous Gang ay naka-upo sa sofa–kapwa nakaharap kay Achilles na naka-upo sa kaniyang table.

Sobrang dilim ng expression ng mukha ni Achilles pagkatapos mai-kwento ni Petoxera Casteveron ang nagawa ni Jass no'ng na sa Lacjzar City pa sila.

"Paano nangyaring nakapatay si Jass, AG?!" Tumayo si Achilles mula sa pagkakaupo at padabok niyang pinalo ang lamesa buhat ng frustration sa kaniyang narinig.

Tahimik na nakikinig lang din ang dalawang kasama ni Achilles sa nagaganap pero halata sa mga mukha nila ang dismaya sa naririnig nila.

Ang Anonymous Gang ay hindi man lang nagsalita dahil aminado sila sa mga sarili nila na may kasalanan sila kung bakit nauwi sa pagkaroon ng dungis ang kamay ni Jass.

Lahat ay napatungo—kuyom ang kamaong nakatitig sa kani-kanilang sapatos. Lasang-lasa ng AG ang pagsisisi sa kani-kanilang dila na animong isa itong sobrang pait na lason na hindi kayang tanggalin ng sikmura nila.

Wala sila roon no'ng naganap ang pagkawala ni Jass sa sarili kaya tanging si Petoxera lamang ang nagpapaliwanag sa bawat tanong ni Achilles.

"Achi, walang kasalanan ang Anonymous Gang dito. Ako ang nandoon no'ng mawala si Jass sa sarili. Umawat si Blacksin—maniwala ka sa akin pero sa lakas ng kapatid mo, walang kaming magawa. Tulad ng sinabi ko, hindi na ako makatayo dahil sa mga tama ko sa katawan. Nakakahiya man pero sa oras na 'yon, sa dasal na lang ako kumapit. Hindi makaya ni Blacksin si Jass. Kung hindi nagising si Walter ay baka pati si Blacksin ay napatay pa ni Jass." Kalmadong palinawag ni Petoxera sa panganay na Callenreese.

Kalmado man ang bitaw ni Achexen sa bawat salita niya pero sa kaloob-loob nito ay ramdam niya ang dismaya lalo na sa sarili niya.

Ilang beses nagpakawala ng buntonghininga si Achexen tsaka niya naramdaman ang kamay ni Blacksin na humawak na rin sa kamay ni Achexen para iparating na hindi ito nag-iisa sa pagkadismaya sa nangyari kay Jass.

"Fuck! Paano na lang pag nalaman ni Jass ang tungkol dito? Paano na lang ang gusto niya? Nakarating na ba ito sa mga Maharlika?!" Galit na galit pa rin si Achilles.

Ang basag na baso ng wine na tinapon ni Achilles sa narinig ay sa sahig pa rin. Wasak na wakas ito na hindi mo aakalain na baso. Gulong-gulo ang buhok ni Achiless maging ang suot nitong necktie sa sobrang stress niya sa mga gawain nito.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon