WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter thirty six
⇉ the throne arc
Nagising si Jass sa ingay na siyang galing sa paligid niya. Agad niyang minulat ang mata niya at ang bumungad sa kaniya ay ang ilang pares ng mga mata na nakatingin sa kaniya.
"Oh, Head? Gising ka na rin pala," Si Green ito, naka-suot ito ng yellow na jacket tapos ang inner shirt ay white. Naka-kalo na pa ito ng baliktad na bumagay masyado sa kaniya.
"Akala naming sa dreamland ka hanggang mamaya. Himbing ng tulog mo." Nakangiting dagdag ni Sky.
Si Cole at Sin ay bigla na lang dumungaw sa mukha ni Jass na nagtataka pa rin.
"Ano, head? Anong masakit sa 'yo? Sabihin mo."
"Tatawag na ba kami ng doctor? Ano, Head? Magsalit—" Hindi natapos ni Sin ang sasabihin niya dahil nagsalita na rin si Jass sa wakas.
"Inang 'yan, kaya pala ang ingay kasi nandito kayong lahat." Sabi lang niya na kinatawa ni Blacksin na siyang na sa tabi ni Achexen.
"How are you, Jass?" Si Walter naman ito na sobrang ganda ang ngiti kay Jass.
Dahil dito, si Jass ay napangiti lang din. Sinipat niya ang pangangatawan ni Walter kung may mali ba rito dahil sa naganap kagabi pero sa tingin ni Jass ay mukhang normal naman ito lahat.
"Ayos lang ako, amor. Anong oras na ba?" Tanong ni Jass.
Si Achexen ang sumagot sa tanong ni Jass.
"Malapit na mag-5, Jass. Halos buong araw ka na tulog. Hindi ka ba natulog kagabi?" Taas kilay na tanong ni Achexen na dahilan upang parang binunutan ng tinik si Jass sa tanong ni Achexen.
Agad napatikhim si Jass at akmang babangon kaya naman agad na tumayo si Walter para alalayan si Jass.
"Syemprw, natulog ako. Ano ba ginagawa ng AG dito?" Tanong ni Jass.
Ang mukha ng AG ay halos hindi na mapinta sa paraan ng pagtatanong ni Jass.
"Mali ba ang dating sa akin ng sinasabi ni Head o sadyang sensitive lang ako na tao?" Tanong ni Green sabay lingon kay Sky.
"Hindi, Green. Pakiramdam ko ayaw na niya talagang makita lahat kasi para niyang pasan ang mundo pag tinitignan niya tayo." Bulong ni Sky na para bang hindi naririnig ni Jass ang pinag-uusapan nila.
"Ah, gano'n pala 'yon? Ilang buwan natin siyang hindi nakasama tapos ngayon na may chance na tayong lahat, mukhang pinapalayas na agad tayo." Sagot naman ni Green na kinatawa ni Blacksin at Jass.
"You're making Jass feel bad, Green and Sky." Kalmadong sabi ni Blacksin.
Busangot na sumagot si Green. "Talaga ba, Jin? Palibhasa pumapaldo ka sa kaibig—Ehem, paldo sa bagay-bagay."Agad na bawi ni Green pagkatapos niyang makita ang nagbabantang ngiti ni Blacksin at tingin ni Achexen sa kaniya.
Nagsitawanan si Cole at Sin dito lalo na si Sky.
"Muntikan ka na matuklaw, Green." Sabi ni Cole sabay akbay kay Green na umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
Casuale❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
