Sa loob ng labindalawang araw,
May mga bagay na nananahan sa aking balintataw:
Ang pagkakabuklod ng pamilya dahil sa kadiliman;
Ang pagkahilig ko sa radyo para sa balita at libangan;
Mga batang hindi alintana ang pagpasan ng mabibigat na tubig;
Mga paslit na naghuhumiyaw dahil sa init at lamig;
Ang gabundok na basura na madaraanan sa mga kalye;
Ang pagkahaba-habang pila sa mga igiban ng tubig, gasolinahan, atm machine at palengke;
Ang muli kong pagkagiliw sa likas na ganda ng buwan;
Ang masaya naming pagtanaw, habang nakahiga na sa silid, ng tanglaw mula sa mga tala at buwan;
Ang pagbibigay-halaga sa bawat patak ng tubig at ng enerhiya;
Sa pagsapit ng dilim, sabay-sabay na nagsisipagkain at agad na natutulog gaya ng buhay namin dati sa probinsya;
May mga kaibigang naalala ka lang at gustong tumuloy sa iyong tirahan noon, ngunit ni simpleng pangungumusta ay wala, sa panahon ng sinapit mong sakuna ngayon;
Ang totoong mga kaibiga't kapamilya ay nakikilala sa panahon ng trahedya; taos-pusong mensahe o tawag, taimtim na panalangin at maging pagpapaabot ng tulong-pinansyal nila ay naghahatid sa iyo ng sigla.Sa loob ng labindalawang araw, marami akong natututuhan —
Ang mamuhay nang may pasasalamat sa Poon, galak at patutunguhan
Sapagkat sa isang iglap, kayang bawiin ng Diyos ang lahat ng mayroon ka
Pagmamahal ay ipairal at maging mapagkawanggawa.*************************************
"Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus."
-1 Mga Taga-Tesalonica 5:16-18 (MBB)
Pinagkunan ng larawan: Mary Ester United Methodist ChurchItinatampok na awit: Give Thanks
By: Don MoenSa panulat ni: J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...