Malamlam ang mga mata
Mukhang hindi maipinta
Nababalisa sa t'wina
Dulot ng mga problema.Paang hindi maihakbang
Lalamunan na kay tigang
Luha'y bumuhos na lamang
Tagumpay — kay daming hadlang.Tila b'wang walang liwanag
Ngiti'y 'di maaninag
Palaging nababagabag
'Di magawang makailag.Kaibigan kong nanlumo,
Sa buhay ay 'wag susuko
Idulog lahat kay Kristo
Tiwala ay tibayan mo.***
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan."
- Mateo 11:28Sa panulat ni:
J. Z. ROMEOA/N: This is my entry for a writing contest with the theme "Stress".
Sukat: 8/8
Tugma: AAAA, BBBB, CCCC, DDDD
Lines: 4
Max. Stanza: 4
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...