Noong ika'y tuta pa lamang
Ako na ang nakalakhan mong magulang
Puso ko ay nabihag mo
Pagkat ika'y minahal ko nang husto.Ika'y isang masayahin at mapaglarong nilikha
Napakaaktibo at tila 'di nauubusan ng enerhiya
Palagi kitang kinukulong sa 'king mga bisig
Ang iyong pagdila sa aking pisngi — nakaiibig.Ang kulay mong magkahalong puti't itim
Ang malambot mong balahibong kay inam haplusin
Mga mapupungay mong mga matang napakamasunurin
Katawan mong umiindayog kapag sa bahay, kami'y dumating.Ngunit ngayong wala ka na rito sa nakagisnan mong tahanan
Mga mata ko'y kumikislap sa luha, bumubuhos na tila ulan
Wala nang bumubuntot at nagpapahaplos sa akin
Hinahanap ko ngayon ang iyong sigla at lambing.Bakit ba hindi pa ako nasanay?
Palagi naman akong iniiwan, ganito kasi ang buhay
Sa pagdating mo'y naging mas makulay ang aking mundo
Ipinaranas sa 'kin ng Diyos — kay sarap mahalin ng mga aso.Ngayong may iba ka ng itinuturing na ina
Dalangin kong ika'y malusog at masaya
'Di ko man napaghandaan yaring ating paghihiwalay
Dahil ang Ama lamang ang gumawad at bumawi ng mga bagay.Hayaan mong sa malayo, kita'y tatanawin
Puso ko ma'y nadurog, nais man kitang yakapin
Magkakaroon man kami ng bagong alaga'y wala kang kawangis
Hanggang sa muli, anak ko, ako ngayo'y nagtatangis.*****
"Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon."
- Job 1:21 (Ang Dating Biblia)Itinatampok na awit:
Blessed be Your Name by Matt RedmanSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...