LUMANG ORASAN

11 2 2
                                    

Noong isang araw, sumakay ako ng lumang dyipMabilis kong sinulyapan — aking orasang pambisigNatampal ko na lamang ang pawisan kong nooPagkat 'di na pala gumagana yaring relo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Noong isang araw, sumakay ako ng lumang dyip
Mabilis kong sinulyapan — aking orasang pambisig
Natampal ko na lamang ang pawisan kong noo
Pagkat 'di na pala gumagana yaring relo ko.

Pilit na pinaharurot ng matandang tsuper
Tila kay bagal bago kami dumaan sa p'yer
Mga pasahero'y nakasimangot sa mainit na tanghali
May sanggol pang humihiyaw at hindi mapakali.

Isang dalaga ang sa akin ay nagtanong
Kung anong oras na ng mga sandaling 'yon
Nagsimula nang umulan habang sinipat ko ang 'di umaandar kong orasan
Dagling dinukot ko ang cellphone sa bag, nang tamang oras ay tingnan.

May natanggap naman akong relo no'ng Pasko
Ngunit bakit sadyang ito'y laging suot ko?
Tanda ko pa, pitong taon na ito'y aking dala-dala
Limot ko na, ilang beses nang napalitan ng baterya.

Ngayo'y nakapagdesisyon na ako
Itatapon na 'tong lumang orasan ko
Pilitin ko ma'y 'di na kayang mapagawa
Kung kaya't ibabaon ko na ito sa lupa.

Ang mga bagay ay nagbabago
Katulad ng ugali ng isang tao
'Wag manatili kung 'di nakikita ang taglay mong halaga
Humiling sa langit, kaaya-aya'y ipagkakaloob Niya.

***

"Ito ang sabi niya: "Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito."
- Isaias 43:18-19

Pinagkuhanan ng larawan:
Freepik

Sa panulat ni:
J. Z. ROMEO

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VOICE OF TRUTHWhere stories live. Discover now