O hinagpis, hayan ka na naman
Prenteng nakaupo sa malambot na upuan
Hindi ba at kaaalis mo lang?
Ba't ako ngayo'y dagli mong binalikan?Sa aking almusal, nandiyan ka sa 'king harapan
Sa tanghalian, ako na'y iyong tinabihan
Nagpakandong ka pagdating sa hapunan
Pati sa gabi'y maigi mo akong kinumutan.'Di ka pa nakuntento, kinumbida mo si pananaghili
At sa matigas na duyan — ako'y inyong ipinaghehele
Subalit mas lalo lang akong natigatig at nanghina
Nilumot na tubig — pinaligo n'yo sa 'kin, buhat sa inyong dutsa.Ubod ng inam ang iyong serbisyo
Maaga kang nagsisimula't matagal na humihinto
'Di ka man inimbita'y kusa kang dumarating
Daig mo pa ang bagyo kung makawasak ng damdamin.Isang bagay ang aking ipinagpasalamat
Hawak mo man ako sa leeg at ayaw kang paawat
Ngunit mas mahigpit ang hawak sa akin ng Panginoon
Punyal mo sa aki'y ibinaon; mga sugat ko'y Kaniyang hinilom.Isang bagay ang tanging hinihiling ko —
Nawa'y sa pagbalik mo, mas malakas na ako
Hagkan mo man ako at yakap-yakapin
'Di na 'ko matitinag, panangga ko'y panalangin.***
"Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot."
- Mga Awit 34:4Pinagkuhanan ng larawan:
PexelsItinatampok na awit:
Made me Glad by Hillsong WorshipSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...