Nang magbalik ako sa kinalakhan kong tahanan
Marami nang nagbago sa nakagawiang pinagmasdan:
Maalwan ang mga bahay ngunit iilan lang ang nakatira,
Ang mga anak ay lumisan na at nagsipag-asawa;
Mga bintanang dating bukas at kurtina'y malayang nagsiliparan,
Ngayo'y sarado na't nakasalamin, airconditioned na ang kabuuan;
Mga taong noo'y naglakad habang malugod na nagkuwentuhan,
Ngayo'y wala nang imikan habang lulan ng mararangyang sasakyan;
Ang musikang sigla ang dulot sa 'kin noon,
Pangungulila na ang hatid sa akin ngayon;
Ang lawang noo'y hitik na hitik sa mga hito,
Ngayo'y mga mangga at bahay na ang nakatayo;
Sa paglibot-libot ko sa buong subdibisyon, nabalot ito ng katahimikan,
Wala na ang dating nagkakaraoke o palakasan ng tugtog ng mga kabataan;
Nang itinangala ko ang paningin sa kalangitan pagsapit ng dapit-hapon,
Pula na ang kulay nito't hindi kahel, sinabayan pa ng pag-ambon-ambon.Napagnilayan kong lahat ay walang katiyakan dito sa mundo
Ngunit iisang bagay lamang ang ating masisiguro —
Ang pag-ibig ni Hesus sa 'tin ay 'di nagbabago
Dumaan man ang hindi mabilang na mga siglo.***
"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas."
- Hebreo 13:8Pinagkuhanan ng larawan:
WKBN.comSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoesíaPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...