Kung ikaw ngayon ay wala pang mambabasa
Hayaan mo—magpatuloy sa paglikha ng akda
Ang pagsusulat ay 'di naman isang karera
Kaibigan, huwag kang mangamba.Kapag may pumupuna sa piyesa mo
Ipaubaya mong itatama ang mali mo
Ang pagtanggap nito'y isang kalakasan
Huwag kang mangamba, kaibigan.Kung walang nagpapahalaga sa talento mo
Tandaan mo—ang Maykapal ang gumawad nito
Ituon ang mga mata sa paghasa ng kakayahan
Huwag kang mangamba, kaibigan.Huwag kang mabahala sa nakamit ng iba
Darating ang wastong oras—ika'y itataas Niya
Magalak nang lubos sa tagumpay ng 'yong kapwa
Kaibigan, huwag kang mangamba.Marapatin mong magpasalamat sa kasalukuyan
Ika'y hindi inaalipusta't may kapayapaan
Nakapagsusulat ka batay sa 'yong kagustuhan
Huwag kang mangamba, kaibigan.Ang 'yong katanyaga'y marahil ipinagpaliban ng Ama
Pagkat kapalit nito'y pagkalayo ng puso mo sa Kaniya
Ito'y maihahalintulad ng halamang nahiwalay sa lupa
Kung kaya't kaibigan, huwag mo itong ipangamba.***
"Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan."
-Mangangaral 3:11Pinagkunan ng larawan:
DepositphotosItinatampok na awit:
In His Time by Maranatha MusicSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...